top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hangga't 'di nagso-sorry sa ex-GF, Ellen… DEREK, 'DI MATATAHIMIK ANG KUNSENSIYA SA GINAWA KAY ANDREA

  • BULGAR
  • Apr 25, 2021
  • 1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | April 25, 2021




Sa isang post ni Derek Ramsay sa social media, nabanggit niyang naghahanda na siya sa kanyang nalalapit na pagpapakasal kaya nakikiusap siya sa kanyang mga bashers dahil gusto na raw niyang manahimik at magpahinga.


Ito kaya ang sagot ng aktor sa sinabi ng ex-GF niyang si Andrea Torres na "Let karma finish it” patungkol sa ginawang pakikipag-break ni Derek na idinaan lang sa telepono?


Well, may dapat sigurong ayusin si Derek kung gusto niyang maging tahimik ang kanyang buhay at tantanan na siya ng mga bashers.


Kailangan niyang mag-sorry at makipag-usap nang masinsinan kay Andrea Torres upang magkaroon ng closure ang kanilang paghihiwalay.


Napaka-ungentleman ng ginawa niyang sa telepono lang nakipag-break. Dapat na magpakalalaki si Derek at harapin-humingi ng tawad sa ex-GF na dati niyang minahal.


Pero, kung wala siyang lakas ng loob na humarap nang personal kay Andrea, kahit idaan na lang niya sa sulat ang kanyang pagso-sorry para matuldukan na ang kanilang nakaraan.


Hihintayin pa ba ni Derek ang pagdating ng karma sa kanyang buhay? Hindi makakatulog nang mahimbing at hindi mapapanatag ang loob ni Derek Ramsay hangga't dala niya ang bigat ng ginawa niya kay Andrea Torres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page