top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Halos mapraning na raw… CHYNNA, INATAKE NANG SAKIT NU'NG PANDEMIC

BULGAR
May 20, 2021
1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 20, 2021




Hindi lang depression kundi matinding anxiety attack ang dinanas ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza nang dahil sa COVID pandemic.


Noong kasagsagan ng pandemya ay hindi sila tumanggap ng mister na si Kean Cipriano ng anumang trabaho. Nag-panic at para na raw siyang napapraning sa sobrang pag-aalala sa nagaganap sa kapaligiran.


Madalas ay nakakaranas si Chynna na hirap siyang makahinga at mabigat ang kanyang pakiramdam. Mabuti na lamang at nakaalalay ang kanyang mommy at si Kean.

May nagpayo naman na subukan ni Chynna na magbakasyon muna sa probinsiya at mamasyal sa tabing-dagat. Nakatulong naman 'yun nang malaki dahil hindi na nakakaranas ng anxiety ang aktres habang nasa bakasyon.


Nagustuhan ni Chynna ang buhay-probinsiya. May nabili na silang lote sa Batangas pero hindi pa agad mapapatayuan ng bahay.


Kaya, plano nilang mag-rent muna ng bahay na nasa tabing-dagat habang may pandemya pa.


Pero, isang malapit na kaanak naman nina Chynna ang nagkasakit nang malubha. Kaya, muling sinumpong ng anxiety attack si Chynna.


Para sa kanyang mga anak, sinikap ni Chynna na magpakatatag. Idinadasal na lang niya na matapos na ang COVID pandemic at magbalik na ang normal na pamumuhay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page