HALIK NI DINGDONG KAY MARIAN, 1M PLUS VIEWS NA
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 27, 2026

Photo: Marian Rivera at Dingdong Dantes - TikTok
Isinama ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes sa kanyang entry para sa viral dance challenge.
Pinasaya ni Marian ang mga tagahanga nang itampok niya si Dingdong sa isang viral TikTok (TT) dance video na may kantang Oohh Lala Baby ng Showtime Babydolls.
Habang ipinapakita ni Marian ang kanyang mga galaw sa pagsasayaw, hindi inaasahang pumasok si Dingdong sa frame at binigyan siya ng matamis na halik sa pisngi.
Sinamahan ng aktres ang video ng isang mapaglarong caption na tumutukoy sa liriko ng viral track.
"POV: ‘Pag nahanap na ng usong Diggy Diggy Dong ang tunay na Dong,” aniya.
Dagdag pa niya, "#MarianRivera Maligayang Araw ng mga Ama, Tatay!"
Mabilis na nakakuha ng malaking atensiyon online ang maikli ngunit matamis na pagpapakita ng aktor. Sa ngayon, mahigit isang milyong views na ang TikTok video.
Dumagsa rin ang mga komento ng mga netizens…
"May sariling Diggy Diggy Dingdong."
"Ang daya mo, Ate Yan. Nasa ‘yo ang totoong Dingdong. Hahaha! Happy Father’s Day, Kuya Dong."
"Sana all may sariling Diggy Diggy Dong."
"Ang daya, may literal na Dingdong."
Bongga!
SB19, 4 MAJOR AWARDS ANG INUWI SA STAR AWARDS FOR MUSIC
TAGUMPAY ang 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music na ginanap noong June 25, 2026 sa Teatrino, Greenhills.
Nagningning ang gabi dahil halos lahat ng sikat na singers ay naroon upang personal na tanggapin ang kanilang mga tropeo.
Si Regine Velasquez ang nagwagi bilang Female Concert of the Year at personal na dumalo upang magpasalamat.
Si James Reid naman ang nanalo sa Album of the Year pero hindi niya kasama niya ang girlfriend na si Issa Pressman that night.
Ang kantang Dilaw ni Maki ang itinanghal na Song of the Year. Siya rin ang nagwagi bilang Male Pop Singer of the Year at personal niyang tinanggap ang tropeo.
Gayunman, hindi na niya natanggap sa entablado ang tropeo para sa Song of the Year dahil sa kanyang acceptance speech ay nagpaalam na siyang aalis dahil may trabaho pa siyang hahabulin. Kaya pala naka-jogging pants lang siya at humingi pa ng paumanhin sa kanyang OOTD (outfit of the day). Nagpasalamat din siya sa PMPC.
Ang Ben&Ben naman ang nagwagi bilang Duo/Group Artist of the Year.
Si Moira ang Female Recording Artist of the Year at naghandog din siya ng performance.
Na-amaze naman ang New Female Recording Artist of the Year na si Debbie Lopez sa ipinakitang kabaitan ng hugot singer.
Nang bumaba si Debbie mula sa entablado, si Moira pa mismo ang umalalay sa kanya.
Aniya, “Ang bait naman pala ni Moira. S’ya pa ang umalalay sa akin pagbaba. Thank you, Miss Moira,” pasasalamat ng new female singer.
Samantala, apat na major awards ang naiuwi ng SB19—Duo/Group Artist of the Year, Concert of the Year, Duo/Group Concert Performer of the Year, at Collaboration of the Year.
Nakapanghihinayang lang dahil hindi nila personal na natanggap ang kanilang mga tropeo.
Aalis kasi ang grupo patungong Los Angeles para sa Global Spin Live ng GRAMMY Museum sa June 28.
Kasama sa programa ang isang live na pag-uusap tungkol sa kanilang musika at isang espesyal na pagtatanghal.
Sa website nito, pinuri ng GRAMMY Museum ang malawak na pandaigdigang impluwensiya ng SB19.
“Simula nang mag-debut sila noong 2018, ang grupo ay naging isa sa mga pinakamaimpluwensiyang grupo sa musika sa Timog-Silangang Asya, na nakapag-ipon ng mahigit 1 bilyong career streams sa buong mundo at nakapaglinang ng isang madamdaming pandaigdigang fanbase na kilala bilang A'TIN.”





Comments