top of page

Halaga ng piyansa, maaaring taasan ng hukuman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 4 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 30, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ang kapitbahay ko ay nahaharap sa reklamong kriminal. Diumano, sa papel na nakuha niya mula sa hukuman, ang halaga ng piyansa na itinakda para sa kanyang pansamantalang kalayaan ay P10,000.00. Matapos niyang makapagpiyansa, ipinaalam diumano sa kanya na nadagdagan ang halaga na itinakda para sa kanyang pansamantalang kalayaan na naging P20,000.00 dahil mayroon diumano na karagdagan na kaso na isinampa pa laban sa kanya. Wala siyang maibayad sa idinagdag na halaga dahil minimum lamang ang kanyang kinikita at siya lamang ang sumusuporta sa kanyang pamilya. Hindi ba ipinagbabawal sa batas ang excessive bail? Batid niya na kailangan ang piyansa dahil sa kinakaharap niyang reklamo, ngunit sadyang mabigat ang halaga na iyon para sa kanyang pinansyal na kakayahan. Sana ay malinawan ninyo ako. — Manolo



Dear Manolo,


Ang pagpapiyansa ay isang legal na pamamaraan upang mabigyan ng pansamantalang kalayaan, alinsunod sa batas, ang isang tao na inaakusahan ng paglabag sa ating batas kriminal. Ang garantiya na ito ay nakasaad mismo sa ilalim ng ating Saligang Batas, kabilang na rin ang pagbabawal sa pagtatakda ng labis-labis na halaga ng piyansa o excessive bail. Partikular na nakasaad sa Section 13, Article III ng ating 1987 Philippine Constitution:


“Section 13. All persons, except those charged with offenses punishable by reclusion perpetua when evidence of guilt is strong, shall, before conviction, be bailable by sufficient sureties, or be released on recognizance as may be provided by law. The right to bail shall not be impaired even when the privilege of the writ of habeas corpus is suspended. Excessive bail shall not be required.”


Ang pinansyal na kakayahan ng akusado ay isa lamang sa mga maaaring isaalang-alang ng hukom sa pagtatakda ng halaga ng piyansa. Ang krimen na inaakusa sa akusado, ang parusa para sa naturang krimen, ang reputasyon, edad at kalusugan ng akusado, ang bigat ng ebidensya laban sa kanya, ang probability ng kanyang pagsipot sa pagdinig ng kaso, ang nakaraan na pagpuga, at ang nakabinbin pang ibang kaso laban sa kanya ay ilan pa sa mga kadahilanan o factors na isinasaalang-alang sa pagtatakda ng piyansa. Ganoon pa man, sadyang hindi maaaring magtakda ang sinumang hukom ng labis-labis na halaga ng piyansa. Nakasaad sa Section 9, Rule 14 ng ating Revised Rules of Criminal Procedure:


“Section 9. Amount of bail; guidelines. — The judge who issued the warrant or granted the application shall fix a reasonable amount of bail considering primarily, but not limited to, the following factors:

  1. Financial ability of the accused to give bail;

  2. Nature and circumstances of the offense;

  3. Penalty for the offense charged;

  4. Character and reputation of the accused;

  5. Age and health of the accused;

  6. Weight of the evidence against the accused;

  7. Probability of the accused appearing at the trial;

  8. Forfeiture of other bail;

  9. The fact that accused was a fugitive from justice when arrested; and

  10. Pendency of other cases where the accused is on bail.


Excessive bail shall not be required.”


Alinsunod sa mga nabanggit na tuntunin sa itaas, masasabi na hindi natatanging sukatan ang pinansyal na kakayahan ng iyong kapitbahay upang masabi na labis-labis ang piyansang itinakda sa kanya. Kung mayroong karagdagan na kaso na isinampa laban sa kanya, o mayroon pang ibang angkop na sirkumstansya na nakaapekto sa pagtatakda ng karagdagang halaga ng kanyang piyansa, sadya na maaaring ipag-utos ito. Para na rin sa karagdagang kaalaman, ang awtoridad ng hukuman upang magtaas o magbaba ng halaga ng piyansa ay malinaw na nakasaad sa Section 20, Rule 14, Id:


“Section 20. Increase or reduction of bail. — After the accused is admitted to bail, the court may, upon good cause, either increase or reduce its amount. When increased, the accused may be committed to custody if he does not give bail in the increased amount within a reasonable period. An accused held to answer a criminal charge, who is released without bail upon filing of the complaint or information, may, at any subsequent stage of the proceedings and whenever a strong showing of guilt appears to the court, be required to give bail in the amount fixed, or in lieu thereof, committed to custody.”


Mainam na ibahagi rin namin ang paliwanag ng ating Korte Suprema, sa panulat ni Honorable Associate Justice Conrado Sanchez, sa kasong Reynaldo C. Villaseñor vs. Hon. Maximo Abano (G.R. No. L-23599, September 29, 1967):


“Along with the court’s power to grant bail in bailable cases is its discretion to fix the amount thereof, and, as stated, to increase or reduce the same. The question of whether bail is excessive “lays with the court to determine.” 


In the matter of bail fixing, courts perforce are to be guided at all times by the purpose for which bail is required. The definition of bail in Section 1, Rule 114, Rules of Court, gives this purpose — “the security required and given for the release of a person who is in the custody of the law, that he will appear before any court in which his appearance may be required as stipulated in the bail bond or recognizance.” x x x


We are not to consider solely the inability of a defendant to secure bail in a certain amount. This circumstance by itself does not make the amount excessive. For, where an accused has no means of his own, no one to bail him out, or none to turn to for premium payments, any amount fixed no matter how small would fall into the category of excessive bail; and, he “would be entitled to be discharged on his recognizance.” 


So it is, that experience has brought forth certain guidelines in bail fixing, x x x

But, at bottom, in bail fixing, "the principal factor considered, to the determination of which most other factors are directed, is the probability of the appearance of the accused, or of his flight to avoid punishment.” Of importance then is the possible penalty that may be meted. Of course penalty depends to a great extent upon the gravity of offense.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page