top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Habang tumitindi ang krisis, lumiliit ang ‘chance’ ng mga “manok” ni P-Digong na manalo sa 2022

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2021
2 min read

election.


ni Ka Ambo - @Bistado | April 07, 2021



Aktuwal na sinakop ng China ang West Philippine Sea.


Naiprenda na ang WPS kapalit ng milyong dosage ng Sinovac!


◘◘◘


PAANO kaya kapag ang nagwaging pangulo sa 2022 ay hindi maka-Duterte, bagkus ay “manok” ng ‘Kano?


Panibagong krisis ‘yan!


◘◘◘


IBUBUYO ng ‘Kano ang Pilipinas na pumalag sa pananakop ng China.


Pero, sa aktuwal ay hindi naipagtanggol ng U.S. ang pananakop ng China sa Panatag Shoal!


◘◘◘


HABANG tumitindi ang krisis, lumiliit ang tsansa ng mga “manok” ni P-Digong na magwagi sa 2022 election.


Reresbak ang milyun-milyong nawalan ng trabaho!


◘◘◘


SA totoo lang, marami ang nakatanggap ng “cash assistance” mula sa gobyerno.


Pero, siyempre, mas marami ang hindi nakatanggap!


◘◘◘


MARAMI ring sakim at gahaman na nakatanggap at hindi nasisiyahan dahil kapos ang ayuda para mabuhay sila ng higit sa 12 buwan na walang trabaho.


Ibig sabihin, hindi lahat ng nakatanggap ng ayuda ay boboto sa ididikta ni P-Digong!


◘◘◘


AWTOMATIKONG hindi iboboto ang manok ni P-Digong ng mga pamilya, kaanak at kaibigan ng mga namatay sa Operation Tokhang o anti-illegal drugs campaign.


Hindi rin iboboto ang manok ng administrasyon ng mga may-ari ng negosyong nakasarado at maging ng mga trabahante o kaanak nito!


◘◘◘


HINDI mayorya ng Pinoy ang bumoto kay P-Digong nang manalo sa eleksiyon, “plural” lang ang kanyang boto.


Ibig sabihin, sa unang tatlong kandidato—siya ang pinakamaraming boto.


Pero, kapag pinagsama ang boto ng dalawang nakalaban niya na sina Mar Roxas at Grace Poe — minorya lamang ang maka-Duterte!


◘◘◘


PAANO kapag nagsanib ng boto ang mga kapanalig nina Roxas at Poe kontra sa manok ni P-Digong?


‘Yan ay hindi kasama ang mga dumaranas ng pagdarahop dahil sa krisis!


◘◘◘


WALA ring makinarka ang mga maka-Digong dahil gagamitin lang nila ang burukrasya para makaikot sa kampanya.


Sa nakaraang eleksiyon, PDP-Laban ang Partido ni P-Digong, pero ito ngayon ay hawak ni Sen. Manny Pacquiao na interesado ring kumandidato.


Paano kaya ‘yan?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page