top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Habang nasa mall show… KATHRYN, BIGLANG HINALIKAN NG LALAKING FAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 29, 2023
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 27, 2023


Nagulat si Kathryn Bernardo sa paghalik ng male fan sa kanyang kamay pagkatapos pagbigyan na makapagpapiktyur sa kanya.


Nangyari ang paghalik sa kamay ni Kathryn in one of her mall shows para sa promo ng movie niya na A Very Good Girl.


Sa simula ay nagpipilit na ang male fan na makalapit kay Kathryn at umakyat ng stage kung saan nagpe-perform ang girlfriend ni Daniel Padilla.


Pero maagap ang mga marshals na nag-a-assist kay Kathryn during the mall show at naharang ang nagpupumilit na male fan.


Ang siste, nakita ni Kathryn ang nagpupumilit na fan na makalapit sa kanya. Lumapit dito si Kathryn at pinagbigyan na makapagpapiktyur sa kanya.


Doon nalaman na mentally challenged pala ang naturang male fan.


And then, pagkatapos makapagpapiktyur with Kathryn, kinamayan pa niya ang aktres at biglang hinalikan ito.


Mabuti na lang at nakatutok talaga nang mahigpit ang mga marshals na naka-assign kay Kathryn at agad siyang nailayo.


Marami ang humanga sa ginawa ni Kathryn. But at the same time, malaking risk din talaga sa mga sikat na celebrities ngayon ang masyadong gullible sa fans.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page