top of page

Habang magkasama sa Tate… BEA, BUKING SA POST SA SOCMED NA BF NA SI DOMINIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 15, 2021


ree

Mistulang may “exodus” ng malalaking local celebrities sa USA ngayong lumuwag na ang travel restrictions na ipinatupad ng IATF sa bansa.


Una na d’yan si Megastar Sharon Cuneta na umalis ng 'Pinas last month and until now ay nasa Amerika.


Tapos, ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla na nagpunta sa US for health reasons. Although, she’s now here in Manila.


Panay din ang post sa socmed ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas ng lamyerda nila sa US ng mister na si Gerald Sibayan. May show kasi roon si Ai Ai at isinabay na rin niya ang pagbisita sa kanyang bunsong anak na si Nicolo na isang military man sa US. Pero ngayon, nakabalik na rin sa 'Pinas ang mag-asawa at hinarap nga agad ni Ai Ai ang kanyang pastry business.


Napabalita ring nasa Los Angeles na ang eldest daughter ni Sharon na si KC Concepcion.


Nagpunta rin sa LA si Piolo Pascual kaya umasa ang mga fans na magkikita o makikipagkita roon ang aktor kay KC.


Pero, si Alessandra de Rossi pala ang kasama ni Papa P. sa LA for their movie titled My Amanda. Kung 'di kami nagkakamali, ang dating pamagat nito ay Fuffy and Fream.


Rumampa na rin si Jinkee Pacquiao sa LA suot ang kanyang branded clothes, bag and shoes and expensive jewelries kasama ang kanyang kakambal na si Janet at mister nitong si former PBB housemate Tibo Jumalon.


Of course, sinamahan ni Jinkee ang kanyang mister na si Sen. Manny Pacquiao na nagte-training ngayon sa US of A para sa kanyang upcoming boxing match.


Ang Queen of Soul na si Jaya ay sumunod na rin sa kanyang mister at anak na nauna sa kanyang nagpunta sa USA.


On her first morning, ini-reveal ni Jaya na nagre-rent lang sila ng bahay sa Washington. Hopefully, after two years ay magkaroon na rin ng sariling bahay si Jaya and her family sa US.


And recently, panay na rin ang post ni Bea Alonzo ng mga larawan habang nasa California, USA siya.


Isa sa mga unang ipinost ni Bea sa kanyang Instagram ay ang picture ng isang kamay na obvious na isang lalaking may suot na relo at may hawak na ice cream na nasa paper cup.


Duda ng mga netizens, kamay 'yun ng rumored boyfriend ni Bea na si Dominic Roque.


“Oy, kamay ni pogi 'yan. Bagay kayo. Dominic Roque."


“Travel buddy reveal.”


Kahapon, isang piktyur ni Bea na nasa mga batuhan sa dagat habang nakatayo ang kanyang ipinost sa Instagram. Napakaseksi ni Bea sa suot na sleeveless white mini-dress with cherries all around kung saan napakalalim ng cleavage, ha?


Almost 600 na ang nakita naming reply from netizens pagkatapos mag-post ng cryptic message ni Dominic.


Comment-post ni Dominic sa IG post ni Bea, “I*y.(flying kiss emoji)”


Ipinagtatanggol ng mga fans nina Bea at Dom ang mga nanlalait sa age gap nila. Bilang depensa, ibinigay nang halimbawa sina Sarah Geronimo na mas matanda kay Matteo Guidicelli, pati na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Anne Curtis-Erwan Heussaff at iba pa.


Binigyang-kahulugan ng mga netizens ang suot ni Bea na white mini-dress na may pa-cherry.


“Cherry means you're already in a relationship. Banana means you're married. Avocado means you're the better half in the relationship. Strawberry means you can't find the right one. Lemon means you want to be single. I love you, Idol Bea...”


True kaya ito?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page