top of page
Search
  • BULGAR

Haba ng hair, Xian! PAULO, OLIVER AT JAKE, NAKAPILA KAY KIM

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 5, 2024


Showbiz Photo
Photo: Paulo Avelino - Oliver Moeller - Jake Ejercito - Kim Chiu

SA dami ng mga guys na gustong ma-link ngayon sa Chinita Princess na si Kim Chiu, may ilang fans ni Jake Ejercito ang nagsasabing bagay din daw ang aktor sa ex ni Xian Lim.


Bukod kay Paulo Avelino na ipinapareha ngayon kay Kim, may mga boto rin kay Atty. Oliver Moeller na kababayan nito sa Cebu para sa Chinita Princess. 


Maging ang mga co-hosts ni Kim sa It’s Showtime ay aligaga sa paghahanap ng “Mr. Right” na babagay kay Kim Chiu dahil lahat sila’y gustong makita na masaya ang aktres-TV  host at tuluyan nang maka-move on sa breakup nila ni Xian.


Pero tahimik lang si Jake Ejercito at ayaw umagaw ng atensiyon dahil ayaw niyang maakusahan na nakikisakay lang sa kasikatan ni Kim. Hihintayin na lang niya na kalmado na ang lahat at maging handa na ang aktres na pumasok sa bagong relasyon. 


Ngayon ay hanggang blind item na lang ang tungkol sa isang mayamang aktor na gustong manligaw kay Kim Chiu.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page