top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

GUWAPONG MAY-EDAD NA AKTOR, P1 M ANG TF SA ONE-NIGHT STAND SA BIG TIME BUSINESSMAN

BULGAR
Mar 10, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 10, 2022


BLIND ITEM:


Hindi kami makapaniwala sa chika ng aming reliable source na minsan isang panahon, pumatol pala ang guwapong may-edad nang aktor sa alok na one-night stand ng kilalang big time businessman na matagal nang natsitsismis na bading.


Nasa sirkulo ng mga rich businessmen ang nag-chika sa source namin na nu'ng panahong maospital daw nang matagal ang misis ng guwapong aktor dahil sa malalang karamdaman, natukso itong tanggapin ang indecent proposal ng big time businessman.


Eh, dyusko, pa'no ba naman hindi mate-tempt ang guwapong aktor, malinaw na P1 million lang naman ang ibinayad sa kanya ng big time businessman sa isang gabi ng pagsasalo nila sa kaligayahan.


So, malamang, dahil gipit na gipit nga that time ang guwapong aktor dahil wala ring masyadong projects nu'ng mga panahong 'yun, eh, ayun na nga, kinagat na ang P1 M!


Tsk, tsk, tsk! 'Di lang kami sure kung natunugan ng kanyang misis ang isang gabing milagro na kanyang ginawa, pero kalat na kalat pala 'yan sa sirkulo ng mga mayayamang negosyante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page