top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Gustung-gusto na raw magkaapo kina Luis at Jessy… HIRIT NI CONG. VILMA: VERY SOON!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2020
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 3, 2020




“Very soon,” ang sagot ni Star for All Seasons and Rep. Vilma Santos nang matanong ng mga kasamahan sa panulat kung nagwi-wish ba siya na magkaroon na ng apo especially now na nasa gitna tayo ng pandemic at maraming artista ang nabuntis.


Ayon kay Ate Vi sa Tonight With Allan D. YouTube live show ng kapatid na si Allan Diones last Saturday, apo na raw talaga ang wini-wish niya sa ngayon.


“Siguro, kung mayroon man akong hinihiling, apo. Baka ano, baka very soon. Yehey!” ang masayang wika ni Ate Vi.


Tinanong siya kung ibig bang sabihin nito ay magpapakasal na ang panganay niyang anak na si Luis Manzano sa girlfriend na si Jessy Mendiola at anang Star for All Seasons, “Palagay ko, karapatan ko lang sabihin na very soon.”


Ayaw nang magbigay pa ng detalye ni Ate Vi at sey niya, “Tama na, okay na ako ru’n, basta very soon.”


Anyway, ngayong araw na ito (Nov. 3) ang kaarawan ni Congw. Vi at bilang may pandemic nga ay tahimik lang daw niya itong ise-celebrate sa bahay kasama ang pamilya.


Sa mga nakaraang taon, kapag kaarawan daw niya ay umaalis sila ng bansa with her family. Pero siyempre, not this year because of the pandemic.


“Anyway, basta kasama ko lang ang pamilya ko, masaya na ako, okay na ‘yun,” she said.


When asked kung ano ang inaasahan niyang gift o surprise from Luis and Jessy, consistent ang sagot ni Congw. Vi.


“Apo,” mabilis niyang sagot. “Wala na kasi kaming baby,” dagdag niya.


Ang birthday wish/prayer naman niya ay sana, matapos na ang pandemic.


“Kung meron man akong hihilingin sa birthday ko ngayon o ipagdarasal, ang talagang ipinagdarasal ko lang at hihilingin ko sa Panginoong Diyos talaga is ‘Lord, tama na po. Tama na po itong COVID. Sana, unti-unti na itong mawala. Sana, ma-lessen na ‘yung namamatay, ma-lessen na ‘yung nagkakasakit and at the same time, with all the calamities na dumarating ngayon, sana, mabawasan na,’” pahayag ni Ate Vi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page