Gustong unahin sa swab test… SIGAW NG MADLANG PIPOL: ANGELICA, BUNGANGERA AT PALENGKERA NA,
- BULGAR
- May 27, 2021
- 1 min read
KAPALMUKS PA!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 27, 2021

Sobrang pamba-bash ang natanggap ni Angelica Panganiban nang mag-tweet siya tungkol sa Red Cross sa Subic na hindi raw sila pinapansin at inaasikaso.
Sinagot ng frontliner ang mga tweets ng aktres na kinampihan naman ng mga netizens kesa sa mga kuda ni Angelica.
Ayon sa frontliner, hindi porke’t artista ay dapat nang i-prioritize sa swabbing facility. Nagbabayad din naman daw ang ibang clients at pare-pareho lang na mga tao.
“Kaya wala pong special treatment dito. Paano na lang 'yung ibang nauna sa inyo. Haysss… people get lost. Skl with different faces emojis”
“Hehehehe. Sasagot pa kaya nang matapang and pa-witty si Angge?”
“Buti nga one hour lang sila nag-aantay at nasa car pa. Isipin niya mga nasa hospital na ilang oras nag-aantay sa tent na napakainit. Ibang klase rin ang taong ito. May pandemya, kung makareklamo, parang siya lang ang naabala.”
“Kapal-mukha pala. Paimportante. Isiningit na nga, ayaw pang pumila. Pinuntahan pa sa sasakyan at nagreklamo pa! Amp!”
May nagsasabi pang, “Masama talaga ugali niyang Angelica na 'yan. Akala mo kung sino”
“Agree. Eh, matagal nang ganyan 'yan. Feeling entitled and bida-bida lang.”
“True. Alam mo 'yung post na halatang bungangera. Buti nga, napagtiyagaan nu'ng (Gregg) Homan ugali nito. Sana, magbago na siya, baka mauntog 'yung guy.”
“Palengkera queen, na-expose totoong ugali.”
Sambit naman ng isa, “Napahiya sa BF dahil wala siyang powers”





Comments