Gusto, tahimik lang sa Siargao sa 30th b-day… NADINE, AYAW NANG MAG-PARTY
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 29, 2023

Pahinga raw ang regalo ni Nadine Lustre sa kanyang 30th birthday ngayong Oktubre.
Sa panayam kay Nadine ni MJ Marfori, sinabi ng aktres na marami na nga raw ang nagtatanong sa kanya kung ano ang gagawin niya sa kanyang kaarawan.
“Feeling ko, pahinga,” natatawang sabi ni Nadine. “Kagabi nga, iniisip ko siya, kasi I’m also planning on something really exciting naman, that’s going to happen this week and the beginning of October.
“Basta I don’t wanna announce pero makikita lang nila, kasi malapit naman na siya,” sey ni Nadine.
Kaya sa kanyang kaarawan sa October 31 ay gusto na lang daw niyang pumunta sa Siargao.
“I think I just want to go to Siargao and have a quiet birthday although it’s my 30th birthday.
So, my friends are telling me na ‘Huy, dapat magpa-party ka, dapat bonggahan mo kasi magti-thirty ka na,'” tsika ni Nadine.
Pero parang ayaw na raw niyang magbigay pa ng stress sa sarili sa pagpaplano pa ng party lalo pa nga’t sunud-sunod ang shooting niya ngayon ng latest horror-film niya.
Almost every day daw ay may shooting siya at hanggang October pa raw ito.
Kaya baka magpahinga na lang daw siya sa Siargao on her birthday.





Comments