Gusto solo lang niya ang BF... BEA, PINAGSESELOSAN KAHIT MGA BFF NI DOMINIC
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 23, 2024

Dominic Roque, more or less ay nagkakaalaman na sila ng ugali ng isa’t isa.
Madali na nilang maiintindihan ang kanilang mga mood swings. Pero, dapat pa rin daw mag-adjust si Bea lalo na sa pagtanggap sa mga kaibigan ng kanyang soon-to-be husband.
Masyadong mabait na kaibigan si Dominic. Kapag may problema ang sinuman sa kanyang mga malalapit na kaibigan, all-out siya sa pagtulong. Talagang binibigyan niya ng panahon ang mga kaibigang dinadamayan.
Eh, si Bea Alonzo naman, may pagka-possessive sa mga taong mahal niya. Open ang aktres sa pagsasabing gusto niya ay siya lang ang bibigyan ng atensiyon ng kanyang karelasyon.
Pinagseselosan niya ang malalapit na kaibigan ni Dominic na laging kasama nito sa mga lakaran.
Iba kasi ang circle of friends ni Dominic Roque na matagal na niyang katropa.
Well, kapag kasal na sila ni Dominic, kailangang tanggapin ni Bea ang mga kaibigan ng kanyang mister. Kailangang masanay na si Bea na hindi niya maso-solo si Dominic at mahirap na basta na lang ilayo ito sa mga dating kaibigan.





Comments