Gusto intimate lang… KASALANG BEA-DOMINIC, SA MILAN, ITALY!
- BULGAR
- Nov 25, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 25, 2023

Balitang-balita na ngayon na sa Milan, Italy gaganapin ang kasalang Bea Alonzo at Dominic Roque next year. ‘Yun daw talaga ang pangarap ni Bea na maging venue ng kanilang wedding.
At tulad ng nasabi na niya, gusto ni Bea ng isang intimate wedding lang.
Ayon sa ilang kaibigan nina Bea at Dominic, may nabili nang bahay sa Milan, Italy si Bea, bukod pa sa apartment niya sa Madrid, Spain, kaya napapadalas ang biyahe nila roon ni Dominic.
Sobrang na-in love at fascinated si Bea sa nasabing lugar.
Samantala, kahit naging abala si Bea sa pag-aasikaso sa wedding preparations nila ni Dominic, nagawa pa rin niyang i-launch ang kanyang bagong negosyo, ang BASH Manila na mga mamahalin at sosyal na bags at luggages ang ginagawa.
Dumalo sa launching ng BASH Manila ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Bea Alonzo tulad nina John Lloyd Cruz, Heart Evangelista, Dimples Romana, Rica Peralejo atbp..
Pinadalhan din ni Bea ng sample ng kanyang bags ang ilang kaibigang artista tulad ni Yasmien Kurdi na nakatrabaho niya sa Pinoy adaptation ng Start Up PH.
Comentarios