Gumastos nang milyones, nganga, kaya nagdemanda na… JOEL, PINANGAKUANG RARAMPA SA FASHION SHOW SA PARIS KASAMA ANG 8 ANAK, ‘DI NATULOY
- BULGAR
- Jan 19, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 19, 2024

Tinuluyan nang sampahan ng kaso ng sikat na perfume tycoon na si Joel Cruz ang ilang high-profile society personalities sa Prosecutor’s Office ng Manila City Hall nu’ng Miyerkules (Jan. 17, 2024).
Unang dumating sa Manila City Hall ang abogado ni Joel na si Jasmine Sy at mga National Bureau of Investigation (NBI) officers.
At exactly 2:30 PM ay dumating naman si Joel sa labas ng Prosecutor’s Office kung saan naghihintay ang kanyang abogado at mga tauhan ng NBI.
Nagsampa ng reklamo si Joel sa isang grupo na ang iba ay kakilala at kaibigan niya gaya nina Becky Garcia at Albert Andrada.
May ipinakilala rin daw kay Joel sina Becky at Albert na sina Angel de Jesus, Lawrence Plata at Roda Agasen.
Ayon kay Joel, “Sabi nila, isasali raw nila ako at ang aking walong anak sa isang fashion show sa Paris na gagawin sa Westin Paris Vendôme.
“Uh, rarampa kami at gagamitin namin ang mga damit ni Albert Andrada. Pero hindi kasi ito nag-materialize. Hindi siya natuloy. Napangakuan kami nang ilang beses, pero walang naganap talaga.”
Noong January last year, may nauna nang fashion show si Albert na na-cancel without any valid reason.
“Una, January, 2023, kinansel nila ang fashion show. Wala namang valid o magandang dahilan, ‘noh!
“Pero nakabili na ako ng mga tickets that time, eh. Business class kami kaya ang laki rin ng (halaga) tiket namin. Ang laki ng ginastos ko, inabot ng…
“Siguro, more or less nasa P2M ang tiket namin dahil walong bata, ako, tapos ‘yung mga assistant ng mga bata, mga kapatid ko, pamangkin ko, yaya. Mga 19 or 21 kami na pasahero.
“‘Yung cancellation, mga umaabot din ng kulang-kulang P500K, eh. ‘Yun ang cancellation sa Emirates.
“Ngayon, nagbayad ako. Sabi nila, pinagbabayad ako ng P4 M para sa pag-participate ko sa fashion show. Rarampa ‘yung mga bata at ako para kay Albert Andrada.
“Actually, kahit nga damit ni Albert Andrada, para sa amin ay walang nakota. Kahit design nga, eh, walang naipakita,” malungkot na kuwento ni Joel.
Bale nagbuo raw ng isang business ang grupo nina Andrada at doon nagbayad ng P4M si Joel.
“Na-cleared ‘yung tseke. Nasa kanila ‘yung pera na P4M, pero walang nangyari. Walang naganap.
“Alam mo nu’ng June, 2023, lumipad kami ng Paris para sa July fashion show. Mga ano ‘yun, eh, Emirates via Dubai. Pagdating ko ng Dubai, may text message ako na natanggap, na-cancelled daw ‘yung fashion show,” lahad ni Joel.
Galing daw kay Becky ang text na natanggap niya na cancelled na ang fashion show.
“Uh, kaya sabi ko, ‘Ano ba ito? Sana sinabi sa amin earlier para hindi na kami umalis,’” diin niya.
Lahat daw sila ay nakarating sa Paris at pagdating nila sa airport doon ay kinunan agad ni Joel ang apat na malalaking boxes na dala nila.
Mga damit daw ‘yun na ipinagawa ni Joel sa kilalang designer para sa mga kapatid niya na manonood ng fashion show sa Paris.
Pinatahian pa raw sila ni Joel ng mga damit dahil nakakahiya nga naman na basta-bastang outfit lang ang susuotin ng kanyang pamilya, kaya panibagong gastos daw ‘yun.
Tatlong beses daw na-cancel ang show at sa pangatlo, disaster ang inabot ni Joel at ng kanyang pamilya.
Nakipag-usap daw sa kanya ang mga sinampahan niya ng estafa case pagkatapos na ‘di naibalik ang usapan nila na halagang nakalagay sa pinirmahan nilang kontrata.
Ginawa raw ito ni Joel ‘di lang para sa kanya kundi para na rin sa iba pa na maaaring maging biktima ng ganitong pangyayari.




Comments