top of page
Search
  • BULGAR

Gumanti sa biro ng anak…. VICE, SINABUNUTAN NG MADIR, SHOCKED!

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 18, 2023



Biniro ni Vice Ganda ang kanyang ina na si Nanay Rosario.


Sa ibinahaging TikTok video ni Meme ay makikitang sinusubuan niya ang kanyang Nanay Rosario, pero ang nakakatawa rito ay bigla niyang binitawan ang kutsara habang nasa loob pa ito ng bibig ng ina at kunwari ay may inaabot siya.


Natawa naman si Nanay Rosario sa biro ng anak, pero bigla niyang hinila ang buhok ni Meme Vice na ikinabigla naman nito.


Tila sanay na sanay na nga si Nanay Rosario sa pagiging mapagbiro ng anak.


Ang inilagay na caption ni Meme Vice sa kanilang nakakaaliw na video ay “Pumapalag na ‘yung nanay ko. Hahahaha!”


Hirit pa ni Meme Vice ay mahilig daw manabunot ang kanyang ina.


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:


“Si Nanay Rosario lang ang may karapatang humila sa gintong buhok ng nag-iisang Vice Ganda.”


“Kaya super blessed ka po, Meme Vice, kasi super love mo si Nanay Rosario.”


“Tanging si Mama Rosario lang ni Meme Vice ang gagalaw sa buhok niya at wala nang iba.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page