Gulatan na lang daw… GABBY, OKS LANG KAHIT 'DI SILA MAGKITA NI SHARON BAGO ANG CONCERT
- BULGAR
- Oct 13, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 13, 2023

Sigurado na nga ang partisipasyon ni KC Concepcion sa Dear Heart reunion concert ng kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion and Sharon Cuneta happening on October 27 sa SM Mall of Asia Arena.
Si Gabby na nga mismo ang nag-confirm nito.
"As far as I know, she's still part of the show," pahayag ni Gabby sa kanyang latest interview sa ABS-CBN.
Inaasahan na nga ng aktor na magiging emotional time ang gabing 'yun.
"It's an emotional time for all of us," aniya.
Ayon pa kay Gabby, simula nang magkita sila sa mediacon ni Sharon last month ay hindi pa sila nagkitang muli.
“Hindi pa kami nag-uusap. Ang surprise ng production is huwag muna kaming magkikita para pagdating sa show, maging raw, and okay din naman sa ‘kin ‘yun, because pati kami, masu-surprise,” he said.





Comments