top of page

Guest co-host na lang sa It’s Showtime… ANNE, MAG-OOBER DA BAKOD NA SA TV5

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 3, 2026



Anne Curtis Smith - Instagram

Photo: Anne Curtis Smith - Instagram



Ayon sa ilang reliable source, magiging guest co-host na lang ng It’s Showtime (IS) si Anne Curtis dahil tuloy na ang kanyang paglipat sa TV5. 


Pinakawalan na siya ng ABS-CBN at tinapos na raw ang kontrata niya bilang Kapamilya artist. 


Tiyak na ikalulungkot ito ng mga kasamahan niyang hosts sa IS, pero naiintindihan naman nilang career move ito para kay Anne. 


Hindi naman magbabago ang friendship nila at magkikita-kita pa rin naman sila kapag may special events sa showbiz. 


Bilang isang artista, kailangang harapin ang mga challenges na dumarating. Ang paglipat ni Anne sa ibang network ay hindi nangangahulugang tinapos na niya ang ugnayan sa mga dating kasamahan. Hindi rin niya tinalikuran ang ABS-CBN.





AYON sa kuwento ng veteran actress at chairman ng MOWELFUND na si Boots Anson Rodrigo, bago yumao ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. (FPJ), may ginawa siyang special recording kung saan inawitan niya ang kanyang mga naging leading ladies. 


May kani-kanya siyang awitin na inialay sa kanyang mga nakapareha sa pelikula. Natapos niya ito at binalak na ibenta, at ido-donate niya ito sa MOWELFUND upang madagdagan ang pondo ng foundation. 


Ibinilin daw ito ni FPJ sa kanyang maybahay na si Susan Roces. Ang nasabing special recording ni FPJ ay nabili raw ng P3.8 million at ipinagkaloob sa MOWELFUND. 


Ang gesture na ito ni Da King ay hinding-hindi malilimutan ni Boots at ng mga bumubuo at beneficiaries ng MOWELFUND. 


Curious lang kaming malaman kung sino ang nakabili ng special recording ni FPJ. Isa na itong priceless collection ngayon.





SA panahon na nalagay sa matinding pagsubok ang ABS-CBN dahil sa pagkawala ng prangkisa nito, maraming Kapamilya stars ang isa-isang naglipatan sa ibang network upang makasiguro na may trabaho pa rin sila at hindi mawawalan ng shows at exposure.


May ibang Kapamilya stars ding piniling maging freelancer na puwedeng magtrabaho sa kahit anong network. 


Natural lang ito upang maka-survive sa showbiz at hindi sila masisisi, lalo na’t may pamilya silang binubuhay. 


Pero may ilang malalaking Kapamilya ang nanatiling loyal sa ABS-CBN at hindi nasilaw sa malalaking offers ng ibang network bilang pagtanaw ng utang na loob sa Kapamilya Network na nagpasikat sa kanila.


Sa kabila ng mga tempting offers mula sa ibang network, mas pinili nina Judy Ann Santos, Angel Locsin at Kim Chiu na manatiling Kapamilya.


Nandiyan din sina Vice Ganda, Coco Martin, Piolo Pascual at Martin Nievera.

  

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page