GSIS, nagbabala sa publiko… Online scam sa mga pensyonado, kalat na!
- BULGAR
- Feb 20, 2023
- 2 min read
ni Fely Ng @Bulgarific | February 20, 2023

Hello, Bulgarians! Dahil sa pagtatangkang pagnanakaw sa online banking laban sa ilang mga miyembro at pensiyonado nito, nagbabala ang Government Service Insurance System (GSIS) sa publiko na maging maingat sa mga scammer at manloloko na nagpapanggap bilang mga empleyado o kinatawan ng GSIS sa pamamagitan ng telepono o sa Internet.
“GSIS will never ask for our members’ and pensioners’ banking or e-wallet information. We strongly advise our members and pensioners against giving away personal information that would compromise not only their accounts but also their safety,” pahayag ni GSIS President and General Manager Wick Veloso.
Habang umuunlad ang digitalization, nagiging mas marunong na ang mga scammer sa paggamit ng social engineering para manloko ng mga tao upang ibahagi ang impormasyon ng kanilang financial account. Sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang isang kinatawan ng GSIS, lilinlangin nila ang mga miyembro at pensiyonado na ihayag ang kanilang konpidensyal na impormasyon, tulad ng petsa ng kanilang kapanganakan; one-time password (OTP); card verification value (CVV); personal identification number (PIN), at iba pang impormasyon tungkol sa kanilang mga online banking account.
Siniguro ng GSIS sa publiko na sineseryoso nito ang isyu sa pamamagitan ng pagtiyak na sinusunod ang cybersecurity hygiene sa lugar ng trabaho, at regular na nagpapaalala sa publiko na maging maingat sa paglaganap ng mga scam.
“Our members, pensioners, and stakeholders must protect their sensitive personal data in order to prevent their hard-earned money from being stolen by these scammers. We urge them to immediately report to GSIS any suspicious activity or unscrupulous individual posing as a GSIS employee,” saad ni Veloso.
Para mag-report ng insidente, mangyaring mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph, o tumawag sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers), o 1-800-10 -847-4747 (para sa mga subscriber ng Smart, Sun, at Talk 'N Text).
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments