top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

GRETCHEN, SUSTENTADO SI CLAUDINE NG GROCERIES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2020
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 5, 2020




Mula nang magkaayos ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto, lagi na silang may komunikasyon.


Kamakailan, kinunan ni Claudine ng video ang mga groceries na ipinadala ng kanyang Ate Greta na knows naman ng lahat na pinakanakakaangat sa kanilang magkakapatid.


Very supportive si Gretchen sa bunso sa Barretto siblings na may sinusuportahang apat na anak. Though isa lang ang biological son ni Clau, si Santino, dahil mahilig siya sa mga bata, nag-ampon siya ng tatlo — sina Sabina, Quia at Noah.


Mula nang magkaayos ang magkapatid, naging mas malalim ang kanilang samahan. Gretchen helps Claudine as long as she can, at bilang ganti, ibinabalik ni Clau ang lubos na pagmamahal sa nakatatandang kapatid.


Sa ginawang video ni Claudine na kanyang ipinost, makikitang sandamakmak na groceries ang ipinadala nina Gretchen, long-time live-in partner Tony Boy Cojuangco at ng kanilang unica hija na si Dominique, para sa mag-iina.


Very grateful si Quia sa ibinigay sa kanila ng pamilya ni La Greta. Naagaw ang pansin ng mga netizens ng ipinakitang attitude ni Quia at puring-puri nila si Claudine dahil napalaki niyang mabubuti ang mga anak.


“Wow they’re so nice!!!” komento ng isa.


Pinasalamatan naman ng mga supporters ni Claudine si Gretchen dahil 'di pinababayaan ang kapatid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page