GRETCHEN, IDINISPLEY ANG BAHAY NILA NI TONY BOY SA BAGONG IG ACCOUNT
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 01, 2021

Balik-instagram na ulit si Gretchen Barretto ilang araw pagkatapos mabura ang kanyang old account.
Kahapon, nu’ng sinilip namin ang kanyang IG, lima na ang naka-post ni La Greta. It’s a new IG account at ‘di na-restore or ni-restore ang naunang account ni Gretchen.
Karamihan dito ay video ng bahay nila ng kanyang “Dada” na si Tony Boy Cojuangco.
Isa sa mga latest videos ni La Greta ay ang pag-iisa-isa sa laman ng giveaway para sa 70th birthday ni Tony Boy.
Not sure, pero parang ang dinig namin, worth P4,900 'yung gift pack na pang-giveaway.
May laman na blanket, towel, argan oil, brush at kung anik-anik pa. And for sure, branded ang gift pack na pang-giveaway ni La Greta para sa 70th birthday ni Tony Boy.
Anyway, ang daming netizens na natuwa sa pagbabalik ni La Greta sa Instagram.
“So happy you have another IG account po, Ma’m Gretchen at nakakapag-comment na po ako hehe. Feel na feel na po ang Christmas."
“Good to have you back…”
“Welcome back, Madam Gorgeous! I miss u here in IG! God bless you.”
Ang iba naman, nanghihinayang na nawala ang dating IG account ni Gretchen.
“Kaya pala walang post, talagang may bago na.”
“Sayang naman 'yung isa mong account. Million followers na.”
The rest, either nagpapasalamat dahil nakatanggap sila or nagre-request na mabigyan ng ‘love box’ ayuda ni Gretchen.
But still, palaisipan pa rin sa amin kung bakit nawala ang old IG account ni La Greta.
Puwede kayang dahil ayaw na niyang ma-associate sa sugal na sabong or nagkaroon sila ng falling-out ng business partner niya sa sabong na si Atong Ang?
Or baka naman din na-hack ang IG ni Gretchen, 'di kaya?
Hmmm…





Comments