Greatest love raw ng aktor, Matteo… JOHN LLOYD, SINISISI NG FANS NA 'DI IPINAGLABAN SI SARAH

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 31, 2021

Kung kailan pa naman magse-celebrate na ng kanilang first wedding anniversary sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa darating na Pebrero ay saka naman sunud-sunod na naglabasan sa YouTube ang mga past interviews kina Sarah at John Lloyd Cruz na bahagi ng promo ng mga pelikulang kanilang ginawa.
Bale tatlong pelikula ang pinagtambalan nila noon under Star Cinema. Pinakahuli nilang movie together ay ang It Takes A Man and A Woman.
Maraming pinakilig sina Sarah at JLC bilang sina Laida at Miggy. Maging si Direk Cathy Garcia-Molina ay nagsabing naramdaman niya na totoong na-in love sa isa't isa sina Sarah at Lloydie noong ginagawa nila ang mga pelikulang kanilang pinagtambalan.
Kaya naman hinayang na hinayang ang mga fans nang hindi sina Sarah at JLC ang nagkatuluyan. Si Lloydie ang kanilang sinisisi dahil hindi raw ipinaglaban ang pagmamahalan nila ni Sarah. Nagpaubaya na lang siya na mapunta sa iba ang kanyang greatest love!
Mismong si Bea Alonzo ang nagbuking na si Sarah ang "GL" ni Lloydie. Ang sabi naman ng mga nakasubaybay sa kanilang love story, si Sarah ang TOTGA (the one that got away) ni JLC, at mahirap na niya itong makalimutan.
Ganunpaman, masaya na rin ang aktor dahil happily married na ngayon si Sarah at alagang-alaga ni Matteo Guidicelli.





Comments