Grabeng krisis sa pagkatao ang inabot niya… SIKAT NA AKTOR, NA-TRAUMA, AYAW NA AYAW NANG MAKITA ANG
- BULGAR
- Jun 29, 2021
- 1 min read
EX-GF NA TV HOST-ACTRESS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 29, 2021

BLIND ITEM:
Marami ang naghahanap ngayon sa isang dating sikat na aktor dahil sa malaking balita na gumulat sa publiko.
Ayon sa ilang malalapit na kaibigan, sobra raw na-trauma ang sikat na aktor nang makipagrelasyon sa TV host-actress. Durog na durog kasi ang kanyang pagkatao sa publiko. Maraming alegasyon ang ipinukol sa kanya ng aktres. Pinalabas pa ng dating karelasyon na siya ay walang kuwentang ama sa kanilang anak at walang silbing asawa.
Medyo nakahinga lang nang maluwag ang dating sikat na aktor nang mahiwalay na sa karelasyong kontrobersiyal na aktres. Gustuhin man ng dating sikat na aktor na mapalapit sa kanyang anak, wala siyang magawa dahil hindi siya binibigyan ng pagkakataon ng dating karelasyon.
Literal na ipinagdadamot sa kanya ang kanyang anak hanggang sa ito ay lumaki na.
Kapag may nag-a-advise sa aktor na magsalita na at makipaglinawan sa dati niyang karelasyon, mistulang napapaso ang dating sikat na aktor at todo-iwas sa kanyang ex.
Ayaw na ayaw niyang nagkukrus ang kanilang landas. Kabisado na kasi niya ang ugali ng dating karelasyong aktres-TV host.





ohilip salvador?