top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Gov't officials sobra-sobra na sa yaman, nandarambong pa rin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | August 24, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Kapansin-pansin ang halos araw-araw na ulat na may mga pagbabanta sa iskul.

May mga ulat din ng pananakit at ilang kaso ng pagkahuli ng pagdadala ng armas sa loob ng iskul.


-----$$$--

Makikita na natin ang hindi maayos na katinuan ng mga kabataan—dahil sa “generation gap.”

Hindi ito simpleng isyu ng legalidad, kriminalidad o moralidad.


-----$$$--

Sa totoo lang, hindi na paslit o kabataan ang nakararanas ng problemang  psychological, bagkus maging ang mga matatanda o may edad.

Isang halimbawa dito ay ang mismong katiwalian ng burukrasya—partikular ang dispalinghadong badyet, ghost project at technical malversation.


----$$$--

Hindi ordinaryong graft and corruption ang isyu ng pandarambong sa gobyerno, bagkus ay nakikita nating itong isang saykolohikal.

Sobra-sobra na kasi ang kayamanan ng government officials—pero bakit nandarambong pa?


----$$$--

Ang nakakalungkot, ‘yung mga nag-iimbestigahan sa mga kasamahan nilang inaakusahang nandarambong ay may kaparehong mga kaso.

Ibig sabihin, walang malinis na opisyal ng gobyerno—kung pagbabatayan—ang alegasyon at kontra-alegasyon.


-----$$$--

Saykolohikal ang kasong iyan dahil kahit ipakulong ang mga mandarambong—kung ang mga may kontrol ng gobyerno ay inaakusahan din ng ganu’ng klase ng kaso—walang malinis, hindi po ba?

Kapag nawala na sa poder, ang mga nag-aakusa, sila naman ang makakaloboso ‘pag nagpalit ng administrasyon!

Paulit-ulit lang at walang katapusan benggansa ang ating masasaksihan!


-----$$$--

NALIPASAN na kasi ang edukasyon na unang ipinakilala sa Europe at ipinayakap at idinikta sa buong daigdig.

Tapos na ang panahong ito—ang proseso sa paggawa ng batas at mismong batas ay hindi sapat upang makatikim ng kaayusan ang mga mamamayan.


----$$$--

HINDI lang ang Pilipinas ang may problema, bagkus ay buong mundo.

Isinasandal sa “ebidensya, Konstitusyon at international law”—ang tama at mali; legal at hindi legal.

Paano kung nalipasan na nga ng panahon ang iskemang ito?


-----$$$--

MAKIKITA natin ito sa gumagrabeng sitwasyon sa buong daigdig—aktuwal nang may ikatlong digmaang pandaigdig—pero ang depinisyon ng mga eksperto—ay nakabatay sa “lumang diksyunaryo.”

Hindi conventional o hindi tradisyunal ang digmaan ngayon—dahil may teknolohiya.


----$$$--

IBIG sabihin, may bago nang depinisyon ang “war”—hindi ito paggamit ng malalakas na armas na inilalarawan sa lumang diksyunaryo.

May bago nang “digmaan” ngayon—hindi lamang drone, robot o space technology—bagkus ay pambihirang digmaan na hindi na ginagamit ang “physical weapon.”


----$$$--

IBIG sabihin, kapos ng pang-unawa ang lahat. Wala nang gumagalang sa United Nations Charter dahil “exempted” dito ang malalaking bansa.

Malinaw na patuloy na nanganganib ang mga tao sa “pagkalipol” dahil sa isang kalaban: Hindi nakikita at walang depinisyon!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page