GOMA, IPINA-LOAN SA GOBYERNO ANG 100 PLUS PAINTINGS NIYA
- BULGAR
- Oct 22, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | October 22, 2023

Pinangunahan ni Ormoc City Mayor Lucy Torres at 4th District Representative Richard I. Gomez ang very successful na culmination celebration ng 76th Charter Day or Araw ng Ormoc na ginanap sa Ormoc Sports Complex kahapon.
Mahigit sa 100K Ormocanons ang sumugod sa Ormoc Sports Complex para manood sa free concert na handog ng mag-asawang Goma and Lucy.
Ang mga performers that night na galing Manila ay si Ice Seguerra at ang December Avenue.
Super na-enjoy ng mga Ormocanons ang performance ni Ice at ng December Avenue habang nasa harap ng stage sina Richard and Lucy.
After ng free concert, personal na binati ni Cong. Richard sina Ice with his wife Liza Diño-Seguerra at ang December Avenue sa Ormoc Museum kung saan ginanap ang late-dinner para sa mga performers.
First time naming nakita ang Ormoc Museum kung saan napapalibutan ng maraming paintings na pag-aari ni Cong. Richard. Amazed na amazed kami sa personal collections ni Cong. Richard ng paintings made by Amorsolo na nasa isang private room sa loob ng Ormoc Museum.

Ayon kay Cong. Richard, mahigit 100 piraso ng kanyang paintings ang ipina-loan niya sa iba’t ibang government buildings sa Ormoc for display at documented daw ang lahat ng ito.
“Ang dami kong paintings na nasa storage ko lang. Kaysa nandoon lang, might as well ipagamit ko na,” pahayag ni Cong. Richard.
Humanga rin kami kung gaano ka-behave ang mga Ormocanons at kalinis ang kanilang lugar.
Super imposed daw kasi si Cong. Richard ng strict discipline sa Ormoc lalo na nu’ng siya ang mayor at si Lucy naman ang kongresista.
In fact, kaka-lift lang daw ng curfew sa lugar nila kamakailan. Nagsimula ang curfew sa bayan nila noong pandemic.
Eh, since naging atleta si Richard kaya knows niya kung paano magdisiplina sa sarili.
Nagulat naman kami when we found out na never palang nagkasama sa anumang project sina Cong. Richard at Ice noon at hanggang ngayon. Pero wishing and hoping pa rin si Ice na magkaroon ng chance na makatrabaho niya si Cong. Richard as an actor.
Tinanong namin si Cong. Richard kung may chance ba na makaarte ulit siya either sa pelikula or telebisyon.
Malabo raw sa ngayon na makagawa siya ng teleserye. But he likes to act again daw sa pelikula.
He’s honest to admit na walang offer sa kanya na movie project sa ngayon. Kasi nga, baka feeling ng mga producers, busy si Goma bilang public servant.
Ang worry lang niya, kapag nagbalik-artista siya ay mahirapan siya sa pagme-memorize ng mga linya. Hindi na raw ganu’n ka-sharp ang memory niya para sa mahahabang linya.

Kaya ang ginagawa raw ni Cong. Richard para maging sharp muli ang kanyang memory ay mine-memorize niya ang buong speech niya sa mga dinadaluhang speaking engagements.
When asked kung ano’ng klaseng proyekto ang gusto niyang gawin, it all depends daw sa story ng movie.
Sakto naman at may alam na nakatabing script si former FDCP Chair Liza Diño. Iaalok daw niya ito kay Cong. Richard.
Let’s see kung magma-materialize ang proyektong ito.





Comments