top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Golfer Yuka Saso, piniling maging Japanese citizen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2021
  • 1 min read

ni MC - @Sports | November 5, 2021





Mas pinili umano ni Filipino-Japanese golfer Yuka Saso na maging Japanese citizen kaysa maging Filipino, ayon sa ulat ng Japanese media.


Ipinanganak na may amang Hapon at Pinay na ina, nagdesisyon umano si Saso na katawanin na ang Japan kapag naging 22 years old na ito sa June 20, 2023.


Sa ilalim ng Japanese nationality law, ang may hawak ng dual citizenship ay kailangang mamili ng isang nasyonalidad sa edad na 22. “It is true that I chose Japanese nationality. I was wondering if I would choose Japanese nationality in the future. I knew that there was a Japanese rule that I had to choose my nationality when I became (22 years old),” ani Saso sa lengguwaheng Hapon. “Whichever you choose, you’re Japanese or Filipino. It’s always in your heart.”


Ilang taon na rin na kinatawan ni Saso ang Pilipinas sa mga international competitions.


Kinatawan ng world no. 6 ang bansa sa 2020 Tokyo Olympics kung saan nagtapos ito na pang siyam.


Siya rin ang kumatawan sa bansa sa 2018 Asian Games sa Jakarta kung saan nagwagi ito ng dalawang medalya. Ang pinakamalaking karangalang nakuha nito ay nang magkampeon ito sa 2021 US Women’s Open.


Kasalukuyang nasa Japan si Saso para lumahok sa Toto Japan Classic. “I’m so grateful to be able to play in Japan again. It’s getting cold, but I want to be careful. I have a memory of participating in this tournament,” wika nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page