top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Golden Boy na… PIOLO, AMINADONG ‘DI NA BAGAY TAWAGING HEARTTHROB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 30, 2026



TEKA NGA - PIOLO, AMINADONG ‘DI NA BAGAY TAWAGING HEARTTHROB-FB Piolo Pascual

Photo: FB Piolo Pascual



Sobrang flattered si Piolo Pascual na hanggang ngayon ay tinatawag pa rin siyang “Papa P” ng kanyang mga tagahanga. Heartthrob pa rin ang tingin sa kanya ng lahat sa kabila ng kanyang edad. 


Next year ay 50 years old na si Piolo Pascual at para sa kanya, hindi na bagay na tawagin siyang Papa P. Lagpas na siya sa era ng pagiging heartthrob, although pang-bida at pang-leading man pa rin ang kanyang porma. Wala naman sa hitsura niya ngayon na golden boy na siya.


At this point of his career, gusto niyang subukan ang mga roles na out of the box at challenging. Gusto niya ng role na hahamon sa kanyang kakayahan sa pag-arte. Isang bagong Piolo Pascual ang gustong makita ng lahat. 


Sawang-sawa na raw siya sa mga pakilig na movies. Gusto niyang gumawa ng pelikulang hindi makakalimutan ng lahat.


Ganunpaman, ang inaabangan ng lahat ng kanyang mga tagahanga ay ang update ng kanyang love life. May plano pa ba siyang mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya?





SOBRANG dami ng mga hosts ng It’s Showtime (IS) kaya napakalaki ng production cost ng show. Sa talent fee (TF) na lang ng mga hosts ay milyones na, plus ang bayad pa sa production staff. 


Kaya naman, may suggestion ang ilang netizens na bawasan o hatiin sa dalawang teams ang mga hosts upang makatipid.


Tutal, aminado si Vice Ganda na napapagod na rin siya at hindi na kaya ang mag-host araw-araw, puwedeng magsalitan ang Team Vice Ganda at Team Anne Curtis. 


Isama sa Team Anne sina Ogie Alcasid, Kim Chiu, Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Sa Team Vice ay makakasama sina Amy Perez, Karylle, Darren Espanto, Ryan Bang, Jugs Jugueta, Ion Perez, Teddy Corpuz at Lassy Marquez. 


At least, lahat ay mabibigyan ng exposure. Puwedeng tig-two days ang bawat team at magsama-sama na lang tuwing Biyernes at Sabado. 


For sure, papayag ang mga hosts sa ganitong setup upang makapagpahinga naman ang ibang hosts ng IS.





NAPAKASAYA ng 72nd birthday celebration ni Bossing Vic Sotto noong Martes sa Eat…Bulaga! (EB!). Binati siya ng lahat ng hosts at naroroon din ang ilang matatagal nang tauhan na matagal nang nakasama ni Vic Sotto tulad ng kanyang personal driver at cook. 


Well, todo-handa rin ng isang dance number ang mga anak niyang sina Tali at Pochi. 


May video birthday greetings din ang anak niyang si Pasig Mayor Vico Sotto. 

Larawan ng isang masayang pamilya sina Pauleen, Bossing Vic Sotto at ang dalawa nilang anak.


Samantala, napatunayan ni Toni Gonzaga kung gaano kamahal ni Bossing Vic Sotto ang programang EB! na mahigit apat na dekada nang naging bahagi ng kanyang buhay. 


Sa interview ni Toni, nalaman niya kay Bossing Vic na noong nagsisimula pa lang umere ang EB!, halos isang taon na hindi nakakatanggap ng suweldo o talent fee (TF) ang TVJ (Tito, Vic & Joey). Pero hindi nila iniwan ang show dahil mahal nila ito. 


Tuluy-tuloy pa rin sila sa pagho-host hanggang sa nagkaroon ng commercials ang EB!. Hindi bumitiw ang TVJ at ang goal nila ay maabot ang 50 years at makamit ang titulong “Longest Running Afternoon Show”.





Superstar, para ‘di raw makalimutan ng mga fans… NORA AUNOR MUSEUM, ILILIBOT SA IBANG BANSA



SA darating na June, 2026, balak ni Ian de Leon na i-launch ang Nora Aunor Museum ng yumaong ina, ang Superstar at National Artist. 


Dito ay naka-display ang mga memorabilia ni Nora, tulad ng kanyang mga awards at acting trophies at plaques. May mga damit din na ginamit nito sa mga special occasions, at iba pa.


Ang mga memorabilia ay idi-display sa loob ng tatlong buwan sa Manila. Pagkatapos ay balak nilang dalhin sa iba’t ibang lalawigan at key cities upang makita naman ng mga solid Noranians. 


Bale ang Nora Aunor Museum ay magiging travelling museum. 


Kung may mga Noranians na gustong mag-donate ng kanilang Nora Aunor items upang maisama sa museum, bibigyan nila ito ng kaukulang kredito. 


Ang Nora Aunor Museum ay naglalayong i-preserve ang mga memories ng yumaong Superstar at National Artist upang magsilbing alaala sa libu-libong tagahanga.


Abangan na lang ang announcement sa pagbuo at pagbubukas ng Nora Aunor Museum.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page