Gold medals pa more… Hidilyn Diaz, wagi sa World Weightlifting Championship
- BULGAR
- Dec 8, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | December 8, 2022

Bagong karangalan ang bitbit ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz para sa Pilipinas matapos na itanghal bilang world champion sa women’s 55 kg event sa IWF World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia.
Nanguna si Diaz sa clean and jerk nang buhatin niya ang 93 kg sa kanyang second attempt upang masungkit ang kanyang unang medalyang ginto, habang naibulsa niya ang 114 kg sa kanyang first attempt para masungkit ang ikalawang medalyang ginto.
Umabot sa kabuuang 207kg ang nabuhat ni Diaz, ang pinakamahusay na record mula sa 10 competitors na naglaban para sa gold medals sa nabanggit na weight class.
Sa ngayon, ang mga nakuhang medalya ni Diaz ay isang Olympic gold at silver, isang Asian Games gold, at maraming gold medals sa Southeast Asian Games ay karagdagang koleksyon ng karangalan na ibinigay niya sa bansa.





Comments