Gold medalist, kahit sikat na… EJ OBIENA, 'DI FEEL MAG-SHOWBIZ
Updated: Oct 13, 2023
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 12, 2023

Sikat na ngayon ang Filipino Olympian pole vaulter na si EJ Obiena na nag-uwi ng kauna-unahang gold medal sa Pilipinas in 37 years sa katatapos lamang na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Sa mediacon na ipinatawag ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) last Tuesday kung saan binigyan si EJ ng tseke amounting to P5 million bilang reward sa karangalang ibinigay nito sa Pilipinas, nag-uunahan ang mga staff at media para makapagpa-picture kay EJ, na in fairness, pinagbigyan naman nito kahit pa nagmamadali siya dahil may isa pa raw presscon after that.
Pero sabi ni EJ, hindi naman niya napi-feel na sikat na siya at ayaw niyang ituring na celebrity ang sarili. Atleta raw siya at 'yun ang nasa puso niya.
Masaya siya sa ibinigay sa kanyang P5 million ng FFCCCII at sa iba pang sponsors na nagpadala sa kanya ng cash na umabot na sa total of P11 million, pero hindi pa raw niya naiisip kung saan niya gagamitin ang pera, although gusto rin daw niyang magbahagi sa kanyang team dahil nakasama rin naman niya ang mga ito sa kanyang training.
Natanong din si EJ kung may balak ba siyang mag-showbiz ngayong sikat na siya at aniya, wala sa isip niya 'yun.
Well, hindi na kami magtataka kung ulanin ng endorsements ngayon si EJ tulad din ni Hidilyn Diaz noong mag-uwi rin ito ng gold medal para sa weightlifting.
Anyway, congrats to EJ na in fairness, may looks kaya puwede rin talagang pang-showbiz, hehe!

Mababaw siguro para sa iba, pero ang mahalaga, naayos ang isang gusot na maaaring humantong sa mas malala pa.
Dalawang lalaki na nag-away dahil sa mansanas, ito ang pinag-ayos ng CIA with BA.
“A wrong doesn’t correct something also that’s wrong. So tayo po man ay makatikim ng injustice, ‘wag mong suklian ng mas masamang injustice kasi pare-pareho lang kayong mapeperhuwisyo,” ang banat ni Senator Alan Peter Cayetano habang pinagninilayan ang mga kasong hinarap kasama ang kapatid na si Senador Pia at co-host na si Boy Abunda sa pinakahuling episode ng CIA with BA.
Sa Case 2 Face segment, nagreklamo ang apple vendor na si Jovi laban sa tricycle driver na si Jhon-Jhon. Inakusahan ni Jovi si Jhon-Jhon na diumano’y ninakaw ang kanyang mansanas na itinitinda sa isang terminal sa Quezon City. Dahil sa kahihiyan, sinuntok at sinakal naman ni Jhon-Jhon si Jovi.
“Hindi ko kinakampihan si Jhon-Jhon pero there’s more than one way to call a person na ‘magnanakaw.’ Maaaring hindi mo ginamit ‘yung salitang ‘magnanakaw,’ pero [para sa] nakarinig no’n, ang dating sa kanya, tinawag mo na siyang magnanakaw,” sabi ni Kuya Alan kay Jovi.
Pinaalalahanan naman ng mambabatas si Jhon-Jhon, “Hindi mo kontrolado ang aksyon ng iba, pero kontrolado mo [ang] reaksyon mo.”
“Maaaring totoong napahiya ka dahil sa kanya, pero makukulong ka hindi dahil sa kanya, [pero] dahil sa ‘yo,” dagdag pa niya.
Sa pagtatapos ng naturang segment, lumapit si Jhon-Jhon kay Jovi at humingi ng tawad.
Nangako naman ang CIA with BA na sasagutin ang kanilang mga nagastos noong mga oras na kinailangan nilang harapin ang kaso sa barangay.
‘Wag palagpasin ang CIA with BA kasama sina Alan, Pia, at Tito Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA-7.





Comments