Gobyerno, kinapos sa budget, wala namang pinagagawang proyekto, grabe!
- BULGAR

- May 2, 2025
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 2, 2025

MASASABING KALOKOHAN ANG MATAAS NA RATING NI PBBM DAHIL ANG DAMI PA RING NAGHIHIRAP SA KANYANG ADMINISTRASYON -- Sa latest survey na inilabas ng OCTA Research firm ay nakakuha raw si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ng 60% majority trust at 59% approval ratings.
Sa totoo lang, parang hindi kapani-paniwala ang survey na ito kasi sa rami ng naghihirap at taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin ay imposibleng makakuha ng ganyang kalaking grado o rating ang Presidente, period!
XXX
GOV. GWEN GARCIA, DAMING KABALBALANG GINAGAWA KAYA NASUSUSPINDE PERO KAPAG KUMANDIDATO IBINOBOTO PA RIN NG MGA TAGA-CEBU -- Pinatawan ng Ombudsman si Cebu Gov. Gwen Garcia ng anim na buwang suspensyon kaugnay sa pagbibigay ng special permit sa isang construction company ng walang kaukulang dokumento.
Itong si Gov. Garcia ay madalas masuspinde sa ginagawang mga kabalbalan sa panunungkulan, at nakakasuhan din ng graft, pero ang nakakalungkot, lagi siyang iniluluklok sa puwesto ng mga taga-Cebu kapag kumakandidato siya sa halalan, tsk!
XXX
BUDGET NG GOBYERNO KINAPOS NA KAHIT WALA NAMANG PINAGAGAWANG PROYEKTO -- Kinapos ng higit P479 billion ang budget ng pamahalaan sa unang quarter ng taon.
Grabe naman iyan, wala namang nakikita ang mamamayan na mga proyektong ipinagagawa ng Marcos administration, pero sa unang quarter pa lang ng year 2025 kinapos na budget ng gobyerno, buset!
XXX
KAPAG NAGLABAS NG WARRANT OF ARREST, TIYAK MAHUHULI NA SI ROQUE SA IBANG BANSA -- Isinampa na ng Dept. of Justice (DOJ) ang kasong no bail na human trafficking laban kay former presidential spokesman Harry Roque.
Sa oras na maglabas ng warrant of arrest, tapos na ang happy days ni Roque sa pagtatago sa ibang bansa, tiyak na sa pamamagitan ng Interpol mahuhuli na siya, abangan!







Comments