Gobyerno, binanatan… RESBAK NG DDS KAY LIZA: LAOS KA NA!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 27, 2021

Pagkatapos ang pag-amin ng ibang celebrity couples na they were engaged, heto at si Liza Soberano naman ang tsinitsismis na engaged na kay Enrique Gil.
May tweet ang may handle na @chamitchell though wala naman siyang pinangalanan kung sino ang pinatutungkulan.
“Pero pasalamat tayo kay Nelson kasi 'di lumabas 'yung ‘fiancee’. If not for him… may silbi din ang yawa… it took a DDS for the truth to come out… ilabas ang proposal video!!!"
Sumagot si Liza: “I’m sorry to burst your happy bubble but if I was engaged, I would be loud and proud. I wouldn’t hide it.”
Hindi nagustuhan ng ibang netizens ang pagsagot ng Kapamilya actress at sinabihan pa siyang palaos na.
“Ang ingay ni ateng, palaoz na kasi, daming mga issues eme-eme!”
Eh, ang mga tumitira pala kay Liza ay ang mga DDS dahil sa pagpuna niya sa gobyerno.
“Isa ito sa mga lumamig ang career starting year 2020. Puro reklamo lang sa gobyerno maririnig mo na ingay niya that’s why napag-uusapan siya, but in terms of work and projects, puro press release lang manager niya.”
Pagtatanggol naman ng isa, “Porke't kontra ke Digong, laos. Si Duts, walang ginawang solution sa COVID kundi lockdown and wash your hands. Walang ginawa kundi mangutang lang. Panay pa-presscon, wala namang solution palagi.”
Pero isang netizen ang todo-bilib na engaged na sina Liza at Enrique.
“It could be true. Remember the days when she was denying Enrique was her boyfriend, 'yun pala since Forevermore days, sila na.”
Ang nasabing tweet ay galing sa isang DDS kaya naman sigurado raw na ‘fake news’ ang tungkol sa engagement umano ni Liza.





Comments