Gobyerno, binanatan dahil sa baha, tinawag pang delulu… “MGA G*GO PALA KAYO D’YAN, EH!” — DANIEL
- BULGAR

- 23 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 31, 2026

Photo: Dookie Ducay via Netflix Philippinesc
Binanatan ni Daniel Padilla ang pamahalaan sa kanyang mga posts sa Instagram (IG).
Naglabas ng saloobin ang aktor bilang panzawagan sa gobyerno para sa mga kababayan natin na naging biktima ng kalamidad sa bansa dulot ng malakas na ulan at matinding baha.
Aktibong ‘nagparamdam’ si Daniel sa Instagram (IG) sa pamamagitan ng pag-share ng mga videos ng kalagayan ng iba nating mga kababayan.
Narito ang ilan sa mga nakasulat sa mga posts ni Daniel sa kanyang IG Story:
“Tinawag tayong resilient para ‘di mapahiya ‘yung mga taong may obligasyong ayusin ‘yung sistema.”
“It is our right to live better than this!”
“Lubog na ang buong Pilipinas dahil sa kapalpakan ng gobyerno.”
Dahil dito, na-bash at sinabihan pang ‘delusional’ ang aktor. Agad niyang sinagot ang isyu at kung bakit niya ginawa ang kanyang posts.
“Ginagawa ko lang ang parte ko bilang Pilipino para sa Pilipinas. Tinawag n’yo pa ‘kong delusional, eh, mga g*go pala kayo d’yan, eh,” palag ni Daniel.
Pregnancy journey, inilabas sa video…
ALEX, AUGUST 13 PA NANGANAK
IN-UPLOAD na ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube (YT) channel ang mga pinagdaanan niya bago isilang ang firstborn nila ni Mikee Morada.
Last part ng month of July, isinailalim si Alex sa kabuuang bed rest dahil sa maagang pagbuka o pagkakaroon ng maliit na opening sa kanyang cervix.
After a week, nagpa-checkup ulit siya sa doktor at masayang itsinika ni Alex na nagsara na ang opening sa kanyang cervix.
During her bed rest, panay ang pag-crave niya sa pagkain. Isa sa mga kinatakaman niya ang kare-kare ni Pauleen Luna-Sotto. At doon na-reveal na magkapitbahay sina Alex at Pauleen na nasa bandang South area.
Pero natuklasan na may gestational diabetes si Alex, kaya panibagong hamon na naman daw ito para sa kanya.
So, biglang nag-change na ng food si Alex kahit nga gusto niyang lafangin (kainin) ang lahat ng kine-crave ng kanyang panlasa at tiyan.
Matapos makaranas ng tatlong miscarriage mula 2021 hanggang 2024, nabuntis sa normal na pamamaraan at nakapagsilang si Alex ng baby boy.
May nakalagay na ‘out 13’ sa bahagi ng video ng paglabas ng baby. Ibig kayang sabihin nito ay isinilang ni Alex ang baby boy nila ni Mikee noong August 13?
Samantala, naiyak ang mga supporters ni Alex sa kanyang panganganak.
Sey ng mga netizens…
“TAAS KAMAY SA MGA NAIYAK AT NAGHINTAY SA UPLOAD NI ATE ALEX G! GOD IS GOOD ALL THE TIME.”
“We all cried at the end, didn’t we?”
“Sino naiyak pagkakarinig ng iyak ni baby?”
“Just cried nu’ng narinig ko na ‘Baby is out and cried! God is good.!!! After my 3 losses I know my time will come! In God’s will, I know He is faithful.’”
“S’ya lang ‘yung artista-vlogger na nag-share at nag-upload ng pregnant journey n’ya. She’s so proud na may anak s’ya, ‘di kagaya ng iba na itinago kasi ayaw ma-bash.”
Sabeee!





Comments