Search
  • BULGAR

Go Negosyo, inilunsad ang Let’s Go Bakuna vaccine education campaign

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 01, 2021


Hello, Bulgarians! “Vaccines save lives and livelihood.” Ito ang mensahe ng Let’s Go Bakuna campaign sa gitna ng maling impormasyon sa bakuna at pagdadalawang-isip ng mga Pilipino sa pagpapabakuna. Ang Let’s GO Bakuna campaign ay inilunsad nitong Abril 30, 2021, sa pamumuno ng punong tagapagtaguyod nito na si Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion.


Sa paglulunsad nito, binigyang-diin ni Concepcion ang mahalagang papel ng mga bakuna sa pagbalik ng ekonomiya kasunod ng mga nakapipinsalang epekto ng COVID-19 pandemic. “The success in winning this war is not just in being able to buy the vaccines. It’s being able to convince every Filipino out there that it is their duty to get vaccinated. It is like being called to war as a soldier, but the weapon you carry is the vaccine. It protects yourself and it will protect others. This is the solution to saving both lives and livelihood. The vaccine is the solution,” saad ni Concepcion.


Ang Let’s GO Bakuna Campaign ay magsisilbing platform para sa mga Pilipino upang mapag-usapan ang mga isyu at sagutin ang mga katanungan tungkol sa mga COVID-19 vaccine. Nilalayon din ng kampanyang ito na talakayan at bigyang-sagot ang pagdadalawang-isip sa bakuna at pataasin ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa bakuna sa pamamagitan ng mga serye ng vaccine education forums, webinars at town hall meetings, at multi-platform information materials na nakabase sa mga expert advice at testimonials.


“It will also help communities understand their role in the nationwide vaccination initiative—why getting vaccinated will make a huge impact in accelerating the recovery of the Philippine economy,” ayon kay Concepcion.


Ang kampanyang ito ay suportado ng mahigit 1,000 private sector companies. Kaugnay ng kampanyang ito ay ang special episode ng Mentor Me Online ng Go Negosyo kung saan pag-uusapan kung paano makakaapekto at makatutulong sa pamumuhay at pag-usbong ng trabaho ang pagpapabakuna. Ang special episode na ito ng Mentor Me Online ay i-eere kasabay at napapanahon sa Araw ng mga Manggagawa. Kasabay din nito ay ang pagbibigay ng P5,000 Puhunan Pang Negosyos sa 10 masusuwerteng negosyante.


“We know that our unemployment rate today is alarming. That’s why we have doubled our efforts in addressing the health issue so we can further open our economy and generate jobs in the process,” batid ni Concepcion.


Aniya, “Go Negosyo, which traditionally focuses on helping Filipino entrepreneurs, pivoted towards focusing on health when it saw the urgency of the situation and how health is always connected with livelihood and the economy.”


“We recognize that we have to address this health crisis because it is only through vaccinations that we could save the lives of the Filipino, then ramp up livelihood in the process,” dagdag pa niya.


Ipinaliwanag ni Concepcion na ang pagkamit ng herd immunity sa pamamagitan ng pagbabakuna ay siyang nag-iisang paraan upang muling makabalik ang ekonomiya ng Pilipinas sa normal at maibalik muli ang mga trabaho sa bansa. Dagdag pa niya na ang pagsusuot ng face mask at physical distance ay nagbibigay lamang ng dagdag-oras sa atin, ngunit hindi ito pangmatagalang solusyon. Sa patuloy na pandemya at mga lockdown at sa patuloy na epekto nito sa ekonomiya, ang pagkamit ng herd immunity ay higit na nagiging mas mahalaga.


“From the start of the pandemic, we have been doing everything to ensure that the business sector will survive in this pandemic. At this crucial stage, I call on the labor sector to join us in making our employees realize that we need everybody to be able to get through this pandemic. We need to convince our employees that we must take the vaccine so we would be able to save lives and livelihoods,” saad ni Concepcion.


Sa issue ng vaccine safety at effectiveness, sinabi ni Concepcion na ang mga health experts sa iba’t ibang panig ng mundo ay sinigurado ang safety, efficacy, at benefit ng mga naaprubahang bakuna. “I understand that many of us are afraid given the false information circulating online. But assure you that before a vaccine is even approved for release, they have gone through three phases of trial and under stringent regulatory processes,” ani Concepcion.


Pinaliwanag ni Concepcion na ang mga bakuna na naaprubahan at pumasa na sa kanilang host countries ay dumaan pa sa pagsusuri ng Food and Drug Administration ng bansa bago aprubahang muli.


“I, myself, have been vaccinated because it is my civic duty to do so,” aniya. “Every qualified Filipino should be vaccinated not just for themselves, but also for their families and our country,” saad pa niya. “It is only by being vaccinated that we can win this battle against COVID-19.”

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.