GMA-7, 3 SHOWS NA ANG ITINAPAT SA SERYE NI COCO, TAOB LAHAT!
- BULGAR
- Sep 3, 2023
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 3, 2023

Pang-apat na programa na pala ng GMA-7 ang Maging Sino Ka Man nina David Licauco at Barbie Forteza na makakatapat ng FPJ’s Batang Quiapo simula sa Setyembre 11.
Nauna ang Maria Clara at Ibarra nina Dennis Trillo, David Licauco, Julie Anne San Jose at Barbie, sinundan ng Mga Lihim ni Urduja sa pangunguna nina Kylie Padilla, Vin Abrenica, Gabbi Garcia, Michelle Dee, Zoren Legaspi at iba pa. At ang ikatlo ay ang Voltes V nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Mataas ang mga ratings ng mga nabanggit na drama series ng Kapuso Network pero sa bandang huli ay nakakapantay sila ng Batang Quiapo ni Coco Martin o kaya ay nahihigitan pa.
Itong Batang Quiapo ni Coco ay marami ang nagsasabing aabutin din ng pitong taon tulad ng Ang Probinsyano na nagtapos na mataas ang ratings at concurrent viewers sa YouTube.
Samantala, napanood namin ang viral video ng behind the scenes ng BQ kung saan nagbibigay ng instructions si Direk Coco kay Ms. Charo Santos-Concio ng gagawin nitong eksena at kitang-kita na hinihingal ang dating boss ng ABS-CBN sabay inom ng malamig na tubig at tumatango sa sinasabi sa kanya.
Base sa nakita namin ay madetalye si Coco sa eksenang gagawin dahil pati ang posisyon ng batong nakalapag sa lupa ay tsinetsek niya. Siya pala ang nagdidirek sa mga main characters tulad nina Ms. Charo, Cherry Pie Picache, Susan Africa, mag-amang Pen at Ping Medina, Konsehal Lou Veloso at Lovi Poe.
Ang mga bagong pasok sa Batang Quiapo ay sina Jaclyn Jose, Vandolph Quizon, Zeppi Borromeo, Darwin Tolentino, Michael Rivero, Robert Seña, Lao Rodriguez, Soliman Cruz, Joel Mondina na mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy at Ivana Alawi.

Isa sa mga hot topic ngayon ng mga nakapanood na ipinost nila sa kanilang social media accounts ang Korean-American movie na Past Lives na pinagbibidahan nina Greta Lee, Teo Yoo, at John Magaro.
Tiyak na maraming makaka-relate na Pinoy sa kuwento ng pelikula dahil mapanakit ito. 'Di ba’t ganito ang gustung-gusto ng mga kababayan natin na kahit nasasaktan na sila ay gusto pa rin nilang makita’t makausap ang taong nanakit sa kanila?
Lalo na ang mga mahilig sa K-Drama at Korean movies, ‘wag palampasin ito na kasalukuyang palabas na sa mga sinehan na nagbukas noong Agosto 29.
Childhood friends na nagkagustuhan ang kuwento nina Nora (Greta Lee) at Hae Sung (Teo Yoo) mula sa South Korea.
Nabago ang kanilang buhay nang magkalayo sila noong edad 12 sila dahil nag-migrate sa Canada si Nora kasama ng pamilya hanggang sa nakatapos ng pag-aaral at sa New York City naman nakakuha ng magandang trabaho bilang writer.
Sa tagal nang hiwalay nina Nora at Hae Sung ay hindi nila nakalimutan ang isa’t isa at sa katunayan ay matagal na palang hinahanap ng huli ang babaeng kababata niya hanggang sa nagkaroon sila ng communication at nagkasundong magkita.
Kaya lang, nang magkita sila ay may asawa na ang bidang babae, si John Magaro at kahit nasasaktan ay naging civil si Hae Sung kahit na kasama pa ni Nora ang asawa niya na nakikinig naman sa kuwentuhan nila kahit hindi nito naiintindihan dahil in Korean language.
Halatang may selos factor na ang asawa (John) ni Nora, pero dahil mahal niya ang misis at bisita nila si Hae Sung sa NYC, hinayaan lang niya.
Hindi na namin ikukuwento ang ending ng Past Lives, pero ang sakit-sakit nito sa part ni Nora.
Tinanong nga kami ng PR manager ng Cinema 76 Cafe na si Monina de Mesa kung kanino kami panig, sa Korean childhood sweethearts o sa American husband?
Anyway, ang Past Lives ay unang directorial job ng writer-director na si Celine Song na ayon sa kanya, “I wish it was very simple who they are to each other, but it’s really not! Nora and Hae Sung are not really exes, right?
“Because they only held hands as children – does it count? They’re not really friends, because I think friends are less estranged. But they’re not strangers. You couldn’t really say they’re acquaintances, because what they feel for each other is a lot deeper.”
Ang Past Lives ay produced by A24 at exclusively distributed sa Philippines ng TBA Studios. This marks the third acquisition and distribution partnership between TBA Studios and A24 following the successful Philippine release of the multi-awarded film Everything Everywhere All At Once and The Whale.
“We are incredibly excited to bring Past Lives to the Philippines,” sabi ni TBA Studios President and COO Daphne O. Chiu.
Dagdag pa, “This film is a hauntingly beautiful masterpiece, and we are confident it will leave a lasting impression on everyone who sees it.”
Kasalukuyang palabas ang Past Lives sa mahigit 100 sinehan nationwide.




Comments