top of page

GLADYS, NAGTARAY, PINALAYAS NI KUYA SA PBB HOUSE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 18, 2026



TALKIES - GLADYS, NAGTARAY, PINALAYAS NI KUYA SA PBB HOUSE_IG _gladysreyes

Photo: IG _gladysreyes


Iba talaga ang multi-awarded actress na si Gladys Reyes, walang takot sa pagtataray kay Kuya ng PBB.


Kamakailan lang ay nag-guest si Gladys sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE). In fairness, marami ang napahanga ng aktres sa tunay na ugali nito.

Yes, tama po ang nabasa n’yo. Marami ang nag-aakala na dahil kontrabida madalas ang role ni Gladys ay ganoon na rin ang ugali nito sa totoong buhay. 


Big mistake po, kabaligtaran ng role ni Gladys ang tunay na ugali niya. In short, mabait siya, sa totoo lang.


Sey ni Gladys sa loob ng confession room ng Bahay ni Kuya, “Naku, ang saya po. Napaka-warm ng pagtanggap ng PBB hotel staff at ng mga housemates at ‘di ko akalain na mapapa-feel nila ako kaagad at home.”

Saad ni Kuya, “Tunay ka talagang isang alagad ng sining. Natutuwa ako dahil ‘di ka maramot na makapaghandog ng ‘di lang magandang pag-arte kundi ibinabahagi mo pa ito sa mga kabataan sa susunod na henerasyon. You truly deserve to be recognized at hangaan ng lahat.”


Sey ni Gladys, “Maraming salamat po. Coming from you, Big Brother.”

Hirit pa ni Kuya, “Kung puwede nga lang at malapatan ako ng iyong mga palad sa aking pisngi.”


Sey ni Gladys, “Oo nga po. Pero puwede naman po na tatarayan ko na lang kayo. Hahaha!”

Saad ni Kuya, “Paano ‘yun, sige nga?”


‘Yun naman pala, binigyan lang ni Gladys ng sample ng katarayan niya si Big Brother.

Komento ng mahusay na TV host na si Luis Manzano, “Naku! Mukhang exciting ‘to. Sure kang ready ka, Kuya, ha? Lights, camera, action.”


Saad ni Kuya, “Gladys, ano itong narinig ko na kung anu-ano ang mga sinasabi mo sa loob ng aking bahay? Alam mo naman ang patakaran ko.”


Sey ni Gladys, “Eh, dapat po talaga, siguraduhin n’yo na direkta n’yong narinig mula sa bibig ko ang sinasabi n’yong paglabag ko.”


Saad ni Kuya, “Sinasabi mong sinungaling ako?”

Sey ni Gladys, “‘Di ako ang nagsabi n’yan, Big Brother. Nanggaling ‘yan sa bibig mo.”

Saad ni Kuya, “Ang gusto ko, ang lahat ng mga tao na pumapasok sa bahay ko ay ‘yung nagpapakatotoo.”


Sey ni Gladys habang nakataas ang kilay, “Speaking of pagpapakatotoo, Big Brother, ako ang unang-unang nagpakatotoo r’yan, ‘di ba? ‘Di ako tulad ng iba r’yan na nagpapakitang-tao pero plastic. Kaya, Big Brother, kung may dapat pagalitan dito at kung may sasabihan ng ‘di nagpapakatotoo, nagkakamali ho kayo ng tinawag sa confession room dahil siguradong ‘di ako ‘yun.”

Saad ni Kuya, “Parang wala na akong choice kundi patawan ka ng forced eviction.”

Sey ni Gladys kasabay ng sarkastikong pagtawa, “Akala mo, ‘di ko pa alam ‘yan, Big Brother? Alam ko na ‘yan, kaya nga nag-empake na ako. Handa na ako. ‘Di mo ako ipo-force eviction. Ako na ang aalis. Bye!”

Oh, ‘di ba? Ang husay!



KAHIT harangan ng rehas ang pagitan ng aktor na si Bong Revilla at ng misis nitong aktres na si Congw. Lani Mercado ay hindi napigilan si Sen. Bong na magpahayag ng kanyang pagbati noong Araw ng mga Puso para sa kanyang loving wife.


Ibinahagi ng administrator sa Facebook (FB) account ni Sen. Bong ang nilalaman ng kanyang puso para kay Lani.


Mensahe ni Sen. Bong, “Happy Valentine’s Day to my beloved wife, Mama Lani M. Revilla.


“Maraming salamat sa iyong walang kapantay na suporta’t pag-unawa, sa tapang mong humarap sa bawat unos kasama ako, at sa pagmamahal na ‘di kailanman natitinag. ‘Di ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat kung wala ka sa aking tabi, Mama.


“I thank the Lord every single day for guiding our journey and for blessing me with a woman whose heart is anchored in faith and compassion. Tunay na biyaya ka ng Diyos sa aking buhay.


“Naniniwala ako, God’s will is greater than any storm, and with Him at the center of our marriage, walang ‘di natin kayang malagpasan.


“Hinding-hindi ako magsasawang sabihin na kung sakaling ako’y mamamatay at mabubuhay muli, ikaw at laging ikaw pa rin ang pipiliin kong maging kabiyak ng aking puso.


“Mahal na mahal kita. Happy Valentine’s Day, Mama. - RBR Page Administrator.”

Well deserved mo, Sen. Bong, ang isang babaeng tulad ni Congw. Lani na super-mapagmahal sa pamilya dahil mabuti kang tao, at alam ni yours truly na one of these days, lalabas din ang katotohanan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page