top of page
Search
  • BULGAR

Ginebra: White Party para sa World Gin Day

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 17, 2023




Hello, Bulgarians! Puti ang napiling kulay ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI), ngayong taon bilang pagdiriwang ng World Gin Day (WGD) sa isang 'cool, clear, at versatile' na paraan na ginanap kamakailan sa The Westin Manila, Ortigas.


Ang WGD ay isang pandaigdigang selebrasyon na ginaganap tuwing ikalawang Sabado ng Hunyo, na pinangunahan ng GSMI sa Pilipinas, dahil ito rin ang nagdala ng unang pagdiriwang ng WGD sa rehiyon ng Asia Pacific noong 2014. Noong taong iyon, minarkahan ng GSMI ang ika-180 taong flagship brand nito, ang Ginebra San Miguel.


Ngayon, inaabangan ng mga mahilig sa gin ang mga aktibidad sa loob ng isang buwan ng GSMI, na hindi lamang ipinagdiriwang ang patuloy na impluwensya ng gin sa ating kultura ng pag-inom kundi pati na rin ang papel nito sa mga pagdiriwang, pista, pagtitipon, at maging sa ating pang-araw-araw na tagumpay.

“We join gin enthusiasts worldwide in celebrating World Gin Day. As pioneers of this event in our country, we aspire to ignite the spirit of greater appreciation for more Filipinos to know gin’s outstanding qualities, as it is a drink that is ‘Cool, Clear, and Versatile,’” pahayag ni GSMI Marketing Manager Ron Molina.

Ang bawat bote ng Ginebra San Miguel ay sumasailalim sa isang mahigpit na proseso ng produksyon upang matiyak ang pinakamainam na kalidad, ang mga variant gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, at Ginebra San Miguel Premium Gin, ay ipinakilala sa iba't ibang segment ng merkado.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page