top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ginaya sa Burj Al Arab sa Dubai… WILLIE, NAGPAPAGAWA NG 7-STAR HOTEL SA GITNA NG DAGAT

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 10, 2021





Kasalukuyan palang nagpapagawa si Willie Revillame ng isang 7-star (hindi lang 5-star, ha?) hotel sa gitna ng dagat. Ito ang ini-reveal ng veteran columnist/TV and radio host na si Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute.


Kuwento ni ‘Nay Cristy, masayang-masaya raw si Willie ngayon at ramdam na ramdam niya raw ito kapag magkausap sila.


“Si Willie, kapag kausap ko ngayon, para bang kumpletung-kumpleto na ang kanyang buhay.


Sobrang inaangkin na niya ang panahon ngayon kasama ang kanyang mga anak at apo.


"Nakalilipad na siya anumang oras papunta sa kanyang mga ipinagagawang villa sa Iruhin,


Tagaytay, at ganu’n din po sa Mindoro, sa ipinagagawa naman niyang 7-star hotel,” pagbabahagi ni ‘Nay Cristy.


Sobrang hands-on daw si Willie sa kanyang mga ipinagagawang ito at sobrang binubusisi raw talaga ang mga detalye na kapag may hindi nagustuhan ay talagang ipinababago.


“Maganda ‘yung mga villa niya sa Iruhin. Ang dami nang nag-i-inquire kung pupuwede ngang tirahan ng mga bakasyunista, hindi pa rin puwede.


“Lalo naman ‘yung 7-star hotel niya sa gitna ng dagat. Sa tubig mismo! Parang ginagaya niya ang Burj Al Arab sa Dubai,” kuwento pa ni ‘Nay Cristy.


Hindi lang si Willie ang masaya ngayon kundi maging ang kanyang mga staff ng Wowowin dahil nga sa desisyon ng TV host na huwag nang tumakbo sa 2022 elections.


“Ang daming naging masaya sa pag-urong niya sa pagkandidato. Marami kasing kumokontra talaga diyan dahil alam mo na, ‘di ba? Kapag nawala siya sa kanyang programa at nagserbisyo-publiko, maraming apektado.


“Ngayon, napakaraming maligayang-maligaya. Hindi na sila mawawalan ng trabaho,” deklara ng nanay-nanayan ni Willie.


Proud din si ‘Nay Cristy sa layo ng narating ni Willie at sino raw ba ang mag-aakala na ang dating drummer at kumikita lang nang barya-barya, ngayon ay isa nang napakamatagumpay na artista at negosyante.


Pero ayon nga kay Nanay Cristy, anuman daw ang tinatamasa ni Willie ngayon, ito naman daw ay pinaghirapan nito nang todo-todo.


At sa kabila ng tagumpay ni Willie, nananatili raw bukas ang palad nito sa pagtulong sa mga kababayan. Kaya naman good karma ang TV host at patuloy pa ring inuulan ng biyaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page