top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ginaya raw ng Koreano... WILLIE: INI-SCAM ANG MUKHA KO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2020
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 9, 2020




Nag-react na si Willie Revillame sa nag-viral na photo nila ng Korean actor na si Kwon Sang Woo kung saan ay kitang-kita ang malaking pagkakahawig nila.


Si Kwon Sang Woo ang bida sa umeere ngayong Korean drama na Delayed Justice ng SBS Network, pero rito sa 'Pinas ay mas kilala siya bilang lead actor sa classic K-drama na Stairway to Heaven.


May netizen na nag-post ng larawan nina Willie at Kwon Sang Woo kamakailan at may caption na “Willie Revillame transferred to SBS.”


Ang daming umayon na magkamukha nga sila.


Sa kanyang Wowowin show ay nag-react si Willie sa isyung ito at pagbibiro niya, may nanggagaya raw sa kanya.


“Ini-scam ‘yung mukha ko,” aniya.


“Isipin n’yo, isang Koreano, ginaya 'ko,” dagdag pa niya.


Ipinakita nila sa screen ang nag-viral na photo. Pinadalhan din daw siya ng mga Korean ng nasabing larawan at tanong daw sa kanya, “Is this you?”


Tawa nang tawa si Willie at nag-heart sign pa na as we all know ay usong sign sa Korea.

“Ako ba ‘yan? Kamukha ko nga, 'no?” aniya.


Lumapit pa siya sa screen at tinakpan ang bibig ni Kwon Sang Woo at makikita ngang magkamukha talaga sila mula mata hanggang ilong.


Nang may magsabi kay Willie na si Kwon Sang Woo ang bida sa Stairway to Heaven, gulat niyang sabi, “Siya ba ‘yun? Ba’t guwapo siya nu’n?” sabay tawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page