top of page

Ginawa nila akong poster boy ng kanilang kasinungalingan — Zaldy Co

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2025
  • 1 min read

by Info @News | November 14, 2025



Zaldy Co, Martin Romualdez at Bongbong Marcos - PBBM

Photo File: SS / Rep. Zaldy Co / FB



Binasag na ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang katahimikan nito sa mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng maanomalyang flood control project.


“Ngayon, hindi na ako mananahimik. Ilalabas ko ang lahat ng katotohanan. May resibo, may ebidensya, at may pangalan,” ani Co sa inilabas na pahayag.


Ayon sa dating kongresista, ginawa raw siyang poster boy at panakip-butas ng magpinsan na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, “Ang ibig pala nilang sabihin sa 'aalagaan ka namin' ay gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korupsiyon."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page