by Info @News | November 14, 2025

Photo File: SS / Rep. Zaldy Co / FB
Binasag na ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang katahimikan nito sa mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng maanomalyang flood control project.
“Ngayon, hindi na ako mananahimik. Ilalabas ko ang lahat ng katotohanan. May resibo, may ebidensya, at may pangalan,” ani Co sa inilabas na pahayag.
Ayon sa dating kongresista, ginawa raw siyang poster boy at panakip-butas ng magpinsan na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, “Ang ibig pala nilang sabihin sa 'aalagaan ka namin' ay gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korupsiyon."







