top of page
Karylle - IG.jpg

Ginawa na raw lahat bilang ina, 'di pa rin napigilan… AMY, NAIYAK NANG MAALALA KUNG PAANONG INIWAN

  • BULGAR
  • May 14, 2021
  • 3 min read

NG PANGANAY NA ANAK


Julie Bonifacio - @Winner | May 14, 2021




Hindi napigilan ni Amy Perez ang maiyak nu’ng tanungin siya ng kapwa niya host sa It’s Showtime na si Vice Ganda tungkol sa pagle-let go ng anak na gusto nang mamuhay independently.


“'Di ba, tayong mga bagets, merong point na excited na tayong bumukod? Excited na tayong umalis ng bahay. Na tayo lang muna. Hindi natin sila (magulang) kasama, ‘di ba? Feeling natin, mature tayo. Pero, ano ‘yung…kung ‘yun ang feeling natin bilang anak, ano ang feeling ng nanay o ng magulang kung isang araw, darating ‘yung sasabihin ng anak mo na, '‘Nay, bubukod na ako. Hindi na ako uuwi rito sa bahay.’ Ano'ng feeling ng nanay?” tanong ni Vice kay Amy.

Mabilis na nag-sink-in kay Amy ang tanong ni Vice.


“Grabe pala! Tinatanong mo pa lang, naiiyak na ako. Nanginginig na ‘yung boses ko,” sagot ni Amy.

Ang dali raw talagang magdesisyon ng anak na humiwalay sa pamilya lalo na kapag bata pa. Pero para sa isang ina o magulang, mahirap tanggapin.


“Oo,” mariing pagsang-ayon ni Amy sa sinabi ni Vice. “Nu’ng una talaga, nagulat ako. Kasi parang siyempre, as a mother, gusto mo na you can keep all your children na kasama mo sila, ‘di ba?”


Dagdag pa ni Amy, “Parang ang layu-layo pa roon sa pag-iisip mo na darating ‘yung araw na magso-solo sila. Never kong in-imagine na kapag sinasabi ng mga anak ko sa akin ‘yung, ‘Mama! I can’t live without you talaga.’ Parang ‘di ba, ang sarap pakinggan kapag naririnig mo ‘yun?”


Nakaka-miss daw 'yung kapag sinasabi ng anak na gusto niyang katabi ang kanyang magulang at kasabay na kumain.


“Oo, yes! Tapos, there is a certain age na mararamdaman mo pala talaga na, ‘yung mga 17, ganyan, 18. Dati, papasok ako sa kuwarto ni Adi (anak niya sa dating lead singer ng Southborder na si Brix Ferraris), dire-diretso ako doon. ‘Yung, ‘Hi! Hi, Anak! Ano’ng ginagawa mo?’ ganyan, ‘di ba? After ko mag-work noon sa MTB (Magandang Tanghali Bayan).

“Tapos, pagdating ng 17, sinasabihan na ako na, ‘Uh, Mama, I think dapat kakatok ka muna.’ ‘Di ba, may ganu'n na? So, doon mo na mararamdaman slowly na… ooops, teka.


“Eto na ‘yung realization na hindi talaga forever makakasama mo ang mga anak mo because at one point, mare-realize mo na parang saranggola sila na kailangan mong i-let go at makita mo lang na lumilipad sila. Bilang magulang, masaya ka na. Ang hirap pala. Drum-drum din ‘yung iniyak ko kay Adi nu’ng nagpaalam siya sa akin ng ganyan.”


Tanong ulit ni Vice kay Amy, “Did it make you sad?”


“Sad and excited. Kasi, sad dahil mami-miss mo na ‘yung mga ginagawa n’yo before, ‘di ba?” at dito na tuluyang humalagpos ang emosyon ni Amy kasunod ang kanyang pag-iyak.


Pagpapatuloy pa ni Amy, “Excited ka as a mom kasi gusto mong makita ‘yung… ‘yung mga itinanim ko ba, sa puso at isipan ng anak ko, madadala ba niya kahit saan siya pumunta? At mapa-proud ba ako na masasabi ko sa sarili ko na ginalingan ko bilang nanay kasi natandaan niya lahat ng itinuro ko, ‘yung itinanim ko sa kanya?"


Ang daming naapektuhan na viewers ng It’s Showtime sa A2Z at sa digitalized channel 20, and at the same time, mga netizens na nakapanood sa digital platforms ng ABS-CBN gaya sa Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel sa YouTube.


“Grabe!! Naiyak ako kay T’yang Amy! True 'yun. Lagi kong sinasabihan ang anak ko, 'Nag-toothbrush ka na ba?' Dami mong kuda pero lagi silang inaasikaso pa rin. Walang humpay sa habilin. Ganoon 'pag nanay ka talaga.”


Mismo!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page