top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Gina Acosta, imbes na magpabigat kay VP Sara, sinira ang diskarte ng prosecutors

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 28 minutes ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 26, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAGKUHA NG HOUSE PROSECUTORS PANEL KAY GINA ACOSTA BILANG HOSTILE WITNESS, SABLAY – Lumabas na sablay ang ginawa ng House Prosecutors Panel sa pagkuha kay Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta bilang “hostile witness” sa impeachment trial kay VP Sara Duterte.


Inakala kasi ng House Prosecutors Panel na madidiin ni Acosta si VP Sara, pero hindi ganoon ang nangyari. Sa pagtatanong ni Sen. Imee Marcos, sinabi ni Acosta na hindi niya nakita at hindi niya nahawakan ang confidential funds, at iginiit ding walang ninakaw sa kaban ng bayan ang vice president. Period!


XXX

BINUTATA NINA ACOSTA AT DEFENSE LAWYER BACQUEL ANG HOUSE PROSECUTORS PANEL SA IMPEACHMENT TRIAL – Butata ang inabot ng House Prosecutors Panel kay Acosta at sa Defense Panel Atty. Lindon Bacquel.

Pinuna kasi ni private prosecutor Atty. Amando Ligutan ang paulit-ulit na sagot ni Acosta sa kanyang mga tanong. Nang si Atty. Bacquel na ang nagtanong, tinanong niya si Acosta kung kaya paulit-ulit ang kanyang sagot ay dahil paulit-ulit din ang mga itinatanong sa kanya. Ang tugon naman ay, “Yes.” Boom!


XXX

MAY 'MANOK' BA SINA TED FAILON AT DJ CHACHA SA PAGKA-GOBERNADOR SA BULACAN KAYA 'GINIGIBA' NILA SI GOV. DANIEL FERNANDO? – Sa interview nina broadcast journalist Ted Failon at DJ Chacha kay Gov. Daniel Fernando, mistulang isa ang gobernador sa sinisisi nila sa flood control scam sa Bulacan, kahit na noon pa man ay sinabi na ni Gov. Daniel na wala siyang alam sa sinasabing P41 billion flood control projects sa lalawigan.

Sa totoo lang, hindi lang si Gov. Daniel ang walang alam sa nangyaring flood control scandal, kundi lahat ng gobernador sa mga lalawigan, kasi nga mga local official sila, hindi sila miyembro ng Congress na kasama sa closed-door bicam conference kung saan nagaganap ang iba't ibang uri ng insertion sa mga proyekto. Bukod pa rito, hindi sila ini-inform ng mga DPWH official patungkol sa mga flood control projects, na hindi talaga nila malalaman dahil karamihan ay mga “ghost projects.”

Patunay na walang kinalaman si Gov. Daniel sa flood control scam sa Bulacan ay hindi siya kabilang sa mga inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee, Independent Commission for Infrastructures at Office of the Ombudsman.

Kaya't ang tanong, may “manok” ba sina Ted Failon at DJ Chacha sa pagka-gobernador sa Bulacan? Lumalabas kasi na kaya ginigiba si Gov. Daniel ay para makaapekto ito sa kapartido niyang si Vice Gov. Alex Castro, na front-runner sa 2028 gubernatorial race sa Bulacan. Period!


XXX

TULONG NA IBIBIGAY SA MGA MAGSASAKA, SANA HINDI MAPUNTA SA MGA BUWAYA – Sa tantiya ng Department of Agriculture (DA), papalo sa higit P1.91 bilyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng nagdaang pananalasa ng habagat at bagyo. 

Sana, ang tulong na ibibigay ng Marcos administration ay talagang mapunta sa mga magsasaka at hindi sa bulsa ng mga buwaya sa gobyerno. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page