top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gilas, tinambakan ang Indonesia

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 19, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | June 19, 2021




Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang kanilang ikalawang panalo sa FIBA Asia Cup Qualifiers matapos dominahin ang koponan ng Indonesia, 76-51, sa larong ginanap sa AUF Gym sa Clark, Pampanga kagabi.


Kahit pasok na ang Gilas sa FIBA Asia Cup matapos ang panalo kontra sa Korea, hindi pa rin pinatawad ng national team ang Indonesia at tinambakan ito ng 25 points. Sa 1st at 2nd quarters ay naging palitan lang ang pagpuntos ng dalawang koponan pero sa pagpasok ng 3rd at 4th quarter ay umarangkada na ang Gilas ang unti-unting tinambakan ang Indonesia at hindi na lumingon pa. Medyo kinabahan pa ang Gilas matapos bumagsak ng hindi maganda ang kanilang pambatong si Dwight Ramos nang supalpalin nito ang atake ng isang Indonesian subalit napasama ang bagsak nito. Sa 4th quarter, nagpakawala ng dalawang sunod na 3 points para sa Gilas si Carl Vincent Tamayo upang lalong palawigin ang kalamangan pero agad ding inalabas matapos matapilok nang matapakan ang paa ni Indonesian Arki Wisnu.


Dahil tambak ang kalaban, hindi na ipinasok si Angelo Kouame sa 4th quarter upang makapagpahinga at paghandaan naman ang laban sa Linggo kontra sa Korea. Nanguna sa opensa ng Gilas si Justine Baltazar na may 11 points; Kouame, 11 points at Ramos na may ibinaong 10 points. Pumuntos naman si Sotto ng 7 points, 7 rebounds at 2 assists.


Sa panig naman ng Indonesia bumida si Lester Prosper na may 22 points at 8 rebounds sa 35 minutong paglalaro habang sina Prastawa Dhyaksa at Abraham Damar Grahita ay may tig-8 points. Muling sasabak ang Gilas Pilipinas sa laro sa Linggo kontra Korea sa ika-3 ng hapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page