top of page
Search
  • BULGAR

Gilas, makikibaka sa FIBA 3x3 para sa Olympic Berths

ni VA - @Sports | April 28, 2021





Dalawang araw lamang lalaro ang Gilas Pilipinas 3x3 squad sa group stage ngunit parehong back-to-back games ang kanilang schedule sa idaraos na FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria sa Mayo 26 - 30. Nasa Group C kasama ng France, Slovenia, Qatar, at Dominican Republic kinakailangan maipanalo ng Gilas ang kanilang mga laro para sa tsansang makakuha ng isa sa nakatayang tatlong Tokyo Olympics spots sa torneo.


Unang sasabak ang Gilas na may ranggong ika-20 sa world ranking sa Mayo 26 kontra sa world No. 26 Qatar at susunod ang world No. 3 Slovenia. Magpapahinga sila ng isang araw (Mayo 27) bago muling sumalang kontra sa world No.33 Dominican Republic at sa world No.10 France sa Mayo 28. Ang top two teams sa apat na grupo ang uusad sa knockout stage. Ang dalawang koponang magwawagi sa semifinals at sa third place game ang magkakamit ng Olympic berths. Pamumunuan ang ating koponan nina Joshua Munzon at Alvin Pasaol , ang kasalukuyang top two 3x3 players ng bansa kasama sina CJ Perez at Mo Tautuaa na nanguna naman sa Gilas 3x3 squad na nagwagi ng gold-medal sa 3x3 basketball noong 2019 Southeast Asian Games.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page