top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gilas, hindi uli pinaporma ang S. Korea

BULGAR
Jun 21, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | June 21, 2021




Pinatunayan ng Gilas Pilipinas na hindi tsamba ang una nilang panalo kontra sa South Korea, 82-77, matapos nilang itong idemolis sa ikalawa nilang paghaharap sa huling laro sa FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.


Sa pangatlong laro ng Gilas, maganda na ang galaw at kondisyon ni Kai Sotto kung saan kumamada ito ng 10 points at 7 rebounds bukod pa sa ilang dunk na bumuhay sa sigla ng Gilas para itala ang kumbisidong panalo sa laban.


Matatandang tinawag ng Korea na tsamba o "lucky shot" ang naging panalo ng Gilas sa unang nilang laban Gilas matapos ang krusyal 3 points shot ni Sj Belangel.


Lumamang pa ang Gilas ng aabot sa 10 puntos sa 2nd half pero agad din itong nahabol ng Korea at natapyas ito sa isa, 43-42. Pagpasok ng 4th quarter ay naging pisikalan na ang laban at nagkakasakitan na ang mga manlalaro ng dalawang koponan sa tindi ng init ng labanan. Nanguna sa panalo ng Gilas si Dwight Ramos na may 19 points habang umambag sina Sotto, RJ Abarrientos at Jordan Hearing ng tig-10 points.


Bumida para sa Korea ang kanilang naturalized player na Guna Ra na may double double performance na 20 points at 13 boards, habang tumipa rin sina Hyunjung Lee ng 13 puntos at Hongseok Yang ng 12 points.


Sunod na paghahandaan ng Gilas ang pagsabak sa Olympic Qualifying tournament sa Agosto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page