top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Gilas Center 'Ange' Kouame may Philippine Passport na

  • BULGAR
  • Jun 6, 2021
  • 1 min read

ni VA - @Sports | June 06, 2021




Ganap ng naisyuhan ng kanyang Philippine passport bilang naturalized center ng Gilas Pilipinas si Angelo Kouame. Ang pasaporte ang dokumento na siyang magbibigay kay Kouame ng pagkakataon para makapaglaro kasama ng Gilas Pilipinas sa huling window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa darating na Hunyo 16 - 20 sa Clark, Pampanga. Ang Bureau of Immigration ang nag-release ng pasaporte ni Kouame noong Miyerkules, tatlong linggo pagkaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ganap na naging batas ang Republic Act 11543 na naggawad ng naturalization sa 6-foot-10 slotman na nagmula sa Ivory Coast. Bukod sa FIBA Asia Cup, nakatakda ring palaruin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Serbia, 19th Asian Games sa China at FIBA World Cup na gaganapin sa bansa sa 2023 si Kouame. Umaasa ang SBP na makakatulong ng malaki si Kouame sa Gilas squad na pamumunuan nina Dwight Ramos, Isaac Go, Mike at Matt Nieto, Jordan Heading, Tzaddy Rangel at Will Navarro. “I am happy for Ange,” pahayag ni Gilas head coach Jong Uichico na mayroon pang inaasahang isang reinforcement sa katauhan ni Kai Sotto na dumating mula US para maglaro sa National men's basketball team. Kasalukuyan pa ring nasa training bubble sa loob ng Inspire Sports Academy sa Calamba ang Gilas at nakatakda silang magtungo sa Clark sa Hunyo 13.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page