top of page

Gilas 3X3, 4th place sa FIBA Asia, Laure, dagdag sa UST Tigers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2022
  • 2 min read

ni MC / Gerard Arce - @Sports | July 12, 2022





Nalaglag sa 4th place sa matatapos ng 2022 FIBA Asia Cup 3×3 ang Gilas Pilipinas 3×3 na ginanap sa Singapore nitong Linggo.


Natalo ang Pilipinas sa China, 20-18, sa labanan para sa ikatlong puwesto ng torneo.


Ayon sa ulat, ito na ang ikalawang paghaharap ng Pilipinas at China sa torneo, kasunod ng kanilang laban sa pool game noong Sabado. Nauna rito, natibag din ang Gilas Pilipinas sa New Zealand, 21-13, sa semis.


Sa torneo, naitala ng Gilas ang kabuuang apat na panalo at tatlong talo. Maghaharap ang New Zealand at Australia sa finals. Ang Gilas Pilipinas ay binubuo nina Almond Vosotros, Samboy de Leon, Lervin Flores, at Joseph Eriobu.


Samantala, paniguradong aalingawngaw ang pangalan ni Echo Laure sa pugad ng mga Tigre sa Espana matapos mangakong mapapabilang sa Santo Tomas Growling Tigers sa 85th UAAP.


Isang panibagong sibol galing sa henerasyon ng mga talented athlete ang muling magpapasiklab sa UST men’s basketball squad, kasunod ng pagpayag ng 6-foot-5 forward at dating miyembro ng UST Tiger Cubs at NU Bullpups na maglaro para sa unibersidad na pinanggalingan ng mga ate na sina Ennajie at Eiyha.


Ayon sa report, nakatakdang magbalik sa Pilipinas ang ikatlong anak ni dating basketball forward at coach na si Eddie Laure mula sa U.S. sa Agosto upang makasama ang bagong koponan.


Napiling paglaruan ni Laure ang UST dahil sa nakitang pag-aalagang ibinigay nito sa kanyang mga kapatid. Hindi pa man pormal na nagpapakita ito sa opisina ng unibersidad, pinanghahawakan nito ang salita na tutuloy siya sa Espana Boulevard-basketball squad. Nilapitan na rin ang 19-anyos na basketbolista ng NU at Adamson, subalit mas nanaig umano ang sinabi nitong ‘family ties’ sa Santo Tomas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page