Gigil na gigil sa baha… THEA, TODO-SUMBAT SA MGA “BOBOTANTE” NU’NG LAST ELECTION
- BULGAR

- 12 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 26, 2026

Photo: FB Thea Tolentino
Nabahala ang Kapuso actress na si Thea Tolentino sa mga nababasa niyang posts sa social media platforms dahil sa tuluy-tuloy na pananalasa ng habagat.
Sa kanyang Facebook (FB) account, inilabas niya ang saloobin tungkol sa matinding pagbaha at hinimok ang publiko na huwag balewalain ang mga nangyayari sa bansa.
Pahayag ng aktres, “Nakita ko ang lahat ng posts ngayong araw tungkol sa baha, mga bahay na lumubog, malalang traffic at mga taong ‘di makauwi. ‘Di nga dapat normal ang ganito.
NAKAKAGALIT. Ilang taon nang paulit-ulit na nangyayari. Kailan ba tayo uunlad?
“Lahat naman tayo, nandito na sa social media. Araw-araw, nakasubsob tayo sa mga cellphone natin. Sana, gamitin din natin ang access na ‘yan para mag-research, magtanong at alamin kung sino talaga ang mga karapat-dapat nating iboto sa susunod. ‘Di ‘yung puro pangako lang. Tingnan n’yo kung nasaan tayo ngayon, ‘di ba kayo nagagalit?
“May respeto ako sa mga taong alam at naiintindihan ang plataporma at track record ng pulitikong sinusuportahan nila. ‘Di naman kailangang pare-pareho tayo ng iboto.
“Pero sa mga taong ang dahilan ay ‘‘Di ko alam… basta s’ya,’ ‘Kaalyado n’ya kasi,’ o ‘Magaling kasi ang tatay n’ya…’ o kaya, ‘Kaya ‘wag na lang bumoto kasi pare-pareho lang silang kurakot.’ UTANG NA LOOB. GUMISING NA KAYO.
“‘Di sapat ang apelyido, alyansa o mga pangako. Dapat alam natin kung BAKIT natin sila ibinoboto. Sa atin din magsisimula ang pagbabago.”
Marami namang netizens ang um-agree at nagpahayag din ng kanilang saloobin tungkol sa pagbaha at sa sitwasyon ng bansa.
Sa gitna ng mga komento, binigyang-diin din ni Thea na simple at pangunahing kaalaman lamang ang kanyang ipinapaalala sa publiko.
“Napaka-general ng mga sinabi ko pero ito ‘yung mga basic na DAPAT alam na nating lahat. Nakakagigil na dapat yata, ipaalala araw-araw sa mga tao na dapat alam nila ang rason kung bakit ibinoboto ang mga ‘yan,” diin ng aktres.
NAKILALA si Jane Oineza bilang mahusay na dramatic actress, pero nais naman niyang sumubok ng ibang genre, partikular ang action at comedy.
Mula sa pagiging child star, nakilala ang aktres sa kanyang mga dramatic roles at sa pagtanggap ng mga kumplikado at mapaghamong papel. Nakagawa na rin siya ng ilang action scenes, pero gusto niyang maranasan ang isang full-blast o all-out action project.
“Kasi ‘yung last kong series, nagkaroon kami ng mga iilang action scenes. Sabi ko, after nu’n, gusto ko pa. Gusto ko mag-dive deep sa more action. And then nagkaroon ako ng next na action-action, pero ‘di pa rin s’ya ‘yung full blast na talagang all-out, all-in action. So, ‘yun ang gusto ko,” lahad ni Jane.
Bukod sa action, gusto rin ng Kapamilya actress na magbida sa isang romantic comedy project.
Sey niya, “Kasi parang Goin’ Bulilit pa yata or ‘yung Shake, Rattle & Roll ‘yung last ko na medyo comedy/horror.”
Nabanggit din ng aktres ang mga celebrities na gusto niyang makatrabaho sa hinaharap — sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Judy Ann Santos at ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.





Comments