top of page
Toni Talks - Bongbong Marcos Interview.jpg

Giannis, Lebron at Durant mga bida ng Heat, 76ers at Rockets

Writer: BULGAR
BULGAR
14 hours ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | November 20, 2026



TODO bantay kay Jaime Jacquez Jr., ng Milwaukee Bucks si Klay Thompson ng Miami Heat sa laban nila sa NBA .(AlJazeera)

Photo: Todo bantay kay Jaime Jacquez Jr., ng Milwaukee Bucks si Klay Thompson ng Miami Heat sa laban nila sa NBA. (AlJazeera)



Nagpasikat si Giannis Antetokounmpo para itulak ang Miami Heat sa 137-130 panalo sa kanyang dating koponan Milwaukee Bucks sa NBA kahapon sa Kaseya Center. 


Sumosyo ang Philadelphia 76ers sa liderato ng liga nang magwagi sa Orlando Magic, 121-116, kasabay ng 109-97 paggulat ng Utah Jazz sa Los Angeles Lakers.


Ito ang unang tapatan ni Giannis sa Bucks, ang kanyang tahanan ng 13 taon simula 2013, matapos lumipat noong Hulyo at nagbagsak ng 27 puntos at 14 rebounds habang 9 ang isa pang dating Milwaukee Bobby Portis.  Ang limang binigay ng Miami sa transaksiyon - Kasparas Jakucionis, Nate Ament, Tyler Herro, Jaime Jaquez at Kel'El Ware  ay nagsama para sa 58, 14 rebounds at 15 assists.


Mula roon ay sinigurado nina LeBron James at Anfernee Simons ang resulta at umakyat sila sa 13-3 at wagi sa huling 4.


Dinaig ni MVP Shai Gilgeous-Alexander ang pinsan Nickeil Alexander-Walker, 34-19, subalit sa huli ay napunta kay NAW at Atlanta Hawks ang 117-112 panalo sa Oklahoma City Thunder. Gumawa ng 33 si Cooper Flagg para manaig ang Dallas Mavericks sa Golden State Warriors, 116-94.


Bumida si Kevin Durant na may 21 sa 119-104 tagumpay ng Houston Rockets sa Indiana Pacers.  Humabol ang Denver Nuggets para mabigo ang Boston Celtics, 105-101.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page