Pacio nanatiling kampeon sa ONE MMA World C'ship

by Gerard Arce @Sports News | November 20, 2026

Photo: Manny Pacquiao at Donald Trump / File / FB
Napanitili ni Pinoy mixed martial arts titlist Joshua “The Passion” Pacio ang ONE Strawweight MMA World championship belt kontra Keito “Pocket Monk” Yamakita sa impresibong arm triangle choke sa 4th round ng main event ng ONE Samurai 5 sa Tokyo, Japan.
Nalampasan ng 30-anyos na tubong La Trinidad, Benguet sa ilalim ng Lions Nation MMA, ang mahigpit na pagsubok ng Japanese challenger na bago ang laban ay galing sa magkasunod na submission na panalo – subalit ipinatikim ni Pacio ang lasap na ipinaparanas ni Yamakita sa kanyang mga katunggali – para tapusin ang laban sa 4:17 ng 4th round.
Nadepensahan ni Pacio ang korona sa ikaapat na sunod na pagkakataon at ikalawang sunod na submission victory matapos patapikin si Russian fighter Mansur Malachiev sa bisa ng impresibong first round rear naked choke submission sa ONE: The Inner Circle 21 noong Hulyo 10 sa Thailand.
Maagang nagpasimula ng atake ang Japanese challenger na nakuhang ibalibag si Pacio at puwersahin sa ground game, ngunit sa isang iglap, nakuha ni Pacio ang likuran ni Yamakita at naisagawa ang arm-triangle choke na nagtapos sa laban.
Umakyat ang rekord ni Pacio sa 25-5 at nakuha ang unang panalo sa Japan matapos na mabigong maagaw ang korona ng ONE flyweight title kay Yuya “Little Piranha” Wakamatsu noong Nobyembre 16, 2025 sa ONE 173 na nagtapos sa 2nd round TKO.





«I veri risultati non arrivano per caso. Si costruiscono giorno dopo giorno, goccia dopo goccia, con sudore, costanza e zero scorciatoie. 💪🔥
Spesso però, anche con tutta la buona volontà del mondo, manca una direzione chiara. Allenarsi a caso non basta: serve un metodo.
Questo portale è la guida definitiva che stavi cercando per mettere ordine nella tua routine, ottimizzare i tempi in palestra e ingranare finalmente la marcia giusta verso la forza assoluta. Non si tratta solo di spingere pesi, ma di avere una strategia completa e sostenibile.